Huwag mong kakalabanin ang makapangyarihan, Â Â Â baka ka mahulog sa kanyang mga kamay.
Huwag kang mangangahas lumaban sa mayaman; Â Â Â tiyak na tatalunin ka niya sa pamamagitan ng kanyang kayamanan. Marami na ang nasilaw sa kislap ng ginto; Â Â Â pati ang isipan ng mga hari ay ginugulo ng salapi.
Huwag kang makikipagtalo sa madaldal, Â Â Â lalo mo lang gagatungan ang kanyang kadaldalan.
Huwag mong pagtatawanan ang taong walang modo, Â Â Â kung hindi mo nais na pati ang mga nuno mo'y laitin niya.
Huwag mo nang kagalitan ang taong nagsisisi na; Â Â Â alalahanin mong tayong lahat ay nagkakasala.
Huwag mong hahamakin ang isang tao dahil sa kanyang katandaan, Â Â Â sapagkat tatanda rin tayong tulad niya.
Huwag mong ikatuwa ang pagkamatay ng isang tao; Â Â Â alalahanin mong tayong lahat ay mamamatay.
Huwag mong hahamakin ang pangaral ng marurunong, Â Â Â sa halip ay pag-aralan mong mabuti ang kanilang mga kasabihan; makakapulot ka roon ng maraming karunungan, Â Â Â at matututunan mong maglingkod sa mga may kapangyarihan.
Pag-aralan mo ang turo ng matatanda, Â Â Â sapagkat sila man ay nag-aral din niyon sa kanilang mga magulang. Matututo ka sa kanila ng pang-unawa, Â Â Â at mayroon kang maisasagot kapag kinailangan.
Huwag mong pagsiklabin ang galit ng makasalanan, Â Â Â baka ka maramay sa ningas ng kanyang poot.
Huwag kang mapipikon sa kabastusan ng isang tao; Â Â Â iyan lamang ang hinihintay niya upang siluin ka sa iyong pangungusap.
Huwag kang magpapautang sa mas malakas kaysa sa iyo; Â Â Â at kung nagpautang ka na, ituring mo iyong nawala na.
Huwag kang gagarantiya nang higit sa iyong kaya, Â Â Â at kapag ikaw ay gumarantiya, humanda ka sa pagbabayad.
Huwag kang makikipag-asunto sa isang hukom, Â Â Â sapagkat alang-alang sa tungkulin niya, tiyak na papapanalunin nila siya.
Huwag kang sasama sa taong walang modo, Â Â Â malamang na dahil sa kanya ay mapasubo ka sa gulo, sapagkat gagawin niya ang gusto niya, Â Â Â at dahil sa kanyang kahangalan, pati ikaw ay maaaring masawi.
Huwag kang makipaglaban sa taong magagalitin, Â Â Â huwag ka ring sasama sa kanya sa pook na walang tao, sapagkat siya'y hindi natatakot pumatay ng tao, Â Â Â at maaaring paslangin ka niya, kapag walang makakatulong sa iyo.
Huwag mong sasabihin ang panukala mo sa isang hangal, Â Â Â sapagkat hindi siya marunong mag-ingat ng lihim.
Huwag kang gagawa ng di dapat malaman ng iba sa harapan ng di mo nakikilalang tao, Â Â Â sapagkat hindi mo alam kung ano ang maaaring gawin niya sa iyo.
Huwag mong sasabihin ang binabalak mo sa lahat ng tao; Â Â Â kapag nagkagayon, para mo nang itinapon ang pagkakataon mong magtagumpay.