Ang kasiraang-puri ay nagdudulot ng kahihiyan at pagkawala ng tiwala, Â Â Â na siyang marapat sa isang makasalanang sinungaling.
Huwag kang patatangay sa matinding alab ng damdamin, Â Â Â baka suwagin ka niya na parang torong baliw,
o baka ubusin niya ang mga dahon mo at sirain ang iyong bunga, Â Â Â at maiwan kang parang tuyot na punongkahoy.
Ipapahamak ka ng iyong masasamang pagnanasa, Â Â Â hanggang sa pagtawanan ka ng iyong mga kaaway.
Ang magiliw na tinig ay nakakaakit ng maraming kaibigan, Â Â Â at ang matamis na pananalita'y susuklian ng magandang sagot.
Makipagbatian ka sa maraming tao, Â Â Â ngunit isa lamang sa sanlibo ang hihingan mo ng payo.
Bago ka makipagkaibigan kaninuman, subukin mo muna siya, Â Â Â at huwag mo siyang pagtitiwalaan agad.
Sapagkat may mga kaibigang mapagsamantala    na di mo maaasahan sa oras ng pangangailangan.
May kaibigang hindi nagtatagal at nagiging kaaway mo, Â Â Â at ibubunyag pa niya ang pagkakagalit ninyo, palalabasin ka pa niyang kahiya-hiya.
Mayroon ding kaibigang kasalu-salo mo sa pagkain, Â Â Â ngunit pababayaan ka sa oras ng kagipitan.
Sa kasaganaan, didikit siya sa iyo na parang anino, Â Â Â uutusan niya pati ang mga katulong mo;
ngunit sa kasawia'y pababayaan ka niya, Â Â Â pagtataguan ka, at di mo na siya makikita.
Lumayo ka sa kaaway, Â Â Â at mag-ingat ka sa kaibigan.
Ang matapat na kaibiga'y parang matibay na kanlungan, Â Â Â kapag nakatagpo ka ng tulad niya'y para kang nakahukay ng kayamanan.
Walang kasinghalaga ang matapat na kaibigan; Â Â Â hindi siya matutumbasan ng gaano mang salapi.
Ang matapat na kaibiga'y parang gamot na nagbibigay-buhay, Â Â Â at siya'y matatagpuan lamang ng mga may paggalang sa Panginoon.
Ang may paggalang sa Panginoo'y makakatagpo ng tapat na kaibigan, Â Â Â at ang mga kaibigan niya'y tulad niyang may paggalang sa Panginoon.
Anak, mula pa sa iyong kabataan pahalagahan mo na ang Karunungan, Â Â Â at kapag tumanda ka'y patuloy mo siyang makakamtan.
Linangin mo ang Karunungan gaya ng ginagawa ng magsasaka sa kanyang bukirin, Â Â Â at mag-aani ka nang masagana; magpagod kang sumandali sa pag-aalaga sa kanya, Â Â Â at lalasap ka ng masarap niyang bunga.
Mahirap siyang kamtan ng ayaw mag-aral, Â Â Â hindi magtitiyaga sa kanya ang may mahinang kalooban.
Para sa mangmang, ang Karunungan ay batong mabigat    na di magtatagal at kanyang ibabagsak.
Ang Karunungan ay talagang mahirap kamtan, Â Â Â iilan lamang ang tunay na nakakakilala sa kanya.
Makinig ka, anak ko't narito ang aking tagubilin, Â Â Â huwag mong tanggihan itong aking payo.
Bayaan mong gapusin ng Karunungan ang iyong mga paa, Â Â Â at isuot sa iyong leeg ang pamatok niya.
Yumuko ka at nang makasakay siya sa iyong balikat, Â Â Â at huwag kang maghimagsik sa kanyang kapangyarihan.
Buong puso mo siyang suyuin, Â Â Â at sundin nang buo mong lakas ang kanyang mga tuntunin.
Hanapin mo siya at siya'y iyong matatagpuan, Â Â Â at minsang mahawakan ay huwag mo nang pakakawalan.
Sa wakas, malalasap mo ang ginhawang dulot niya, Â Â Â at siya ay magiging kaligayahan mo.
Ang mga tanikala niya'y magiging sandata mo, Â Â Â at ang kanyang pamatok ay maharlikang kasuotan.
Ang pamatok niya'y magiging isang gintong hiyas, Â Â Â at ang tali niya'y pamigkis na bughaw.
Isusuot mo siyang parang damit na marilag, Â Â Â at ipuputong siya sa iyo bilang korona ng kagalakan.
Kung nais mo'y magiging marunong ka; Â Â Â magsikap ka lamang, ikaw ay magiging matalino.
Kung mawilihin kang makinig, ikaw ay matututo; Â Â Â at kung pahahalagahan mo ang iyong narinig, ikaw ay dudunong.
Kapag dumalo ka sa kapulungan ng matatanda, Â Â Â piliin mo kung sino sa kanila ang marunong at sa kanya ka pumanig.
Maging masigasig ka sa pakikinig ng aral ng mga makadiyos, Â Â Â at huwag mong kaliligtaan ang mga makahulugang talinhaga.
Kapag nakatagpo ka ng isang matalino, agapan mo ang pagdalaw sa kanya; at puntahan mo siya nang malimit    hanggang sa ikaw na lamang ang makapudpod sa pasukan ng kanyang bahay.
Sundin mo ang mga batas ng Panginoon, Â Â Â lagi mong pag-aralan ang kanyang Kautusan, at palilinawin niya ang iyong pag-iisip, Â Â Â at kakamtan mo ang karunungang iyong minimithi.