Likewise the Spirit also helpeth our infirmities: for we know not what we should pray for as we ought: but the Spirit itself maketh intercession for us with groanings which cannot be uttered.
Hindi mapapahamak kailanman ang may takot sa Panginoon; Â Â Â sa lahat ng pagsubok siya'y laging maliligtas.
Ang taong marunong ay di napopoot sa Kautusan, Â Â Â ngunit ang tumutupad nito nang paimbabaw ay parang bangkang hinampas ng bagyo.
Ang matalinong tao ay nananalig sa Kautusan; Â Â Â ang tiwala niya dito'y tulad sa tinig ng Panginoon.
Ihanda mo ang iyong sasabihin kung nais mong ikaw ay pakinggan, Â Â Â isaayos mo muna ang iyong nalalaman bago ka tumugon.
Parang gulong ng kariton ang isipan ng mangmang, Â Â Â parang paikut-ikot na ehe ang kanyang pangangatuwiran.
Ang kaibigang mapanlibak ay parang kabayong haling, Â Â Â na kapag sinakyan ninuman ay humahalinghing.
Bakit may araw na itinuturing na higit kaysa iba, Â Â Â gayong iisa namang araw ang sumisikat sa buong isang taon?
Sapagkat may mga araw na itinangi ang Panginoon, Â Â Â nang itatag niya ang mga panahon at mga kapistahan.
May araw siyang pinagpala at pinabanal, Â Â Â at mayroon namang itinuring na pangkaraniwan.
Lahat ng tao ay mula sa alabok; Â Â Â sa alabok hinugis si Adan.
Ngunit sa di malirip na karunungan ng Panginoon, wala siyang ginawa na magkatulad; Â Â Â binigyan niya ang bawat isa ng kanyang tanging kalagayan.
Mayroon siyang pinagpala at pinadakila, Â Â Â mayroon siyang hinirang at itinalagang maglingkod sa kanya; at mayroon namang sinumpa, pinahiya, at pinalayas sa kanilang kinalalagyan.
Ang putik ay hinuhugisan ng magpapalayok    ayon sa kanyang maibigan. Gayundin naman, ang tao ay binibigyan ng Diyos ng kani-kaniyang kalagayan,    ayon sa kanyang minamarapat.
Ang katapat ng masama ay ang mabuti, Â Â Â ang katapat ng kamatayan ay ang buhay, Â Â Â at ang katapat ng makasalanan ay ang taong maka-Diyos.
Ganyan nagmula sa kamay ng Lumikha ang lahat ng bagay: Â Â Â magkakatambal, ang isang bagay ay kabaligtaran ng ikalawa.
Ako ang kahuli-hulihang namitas ng ubas, Â Â Â wari'y namulot lamang ako pagkaraan ng mamimitas. Ngunit sa awa ng Panginoon, marami pa rin akong nakuha, Â Â Â at napuno ko pa rin ang aking mga pisaan, gaya ng mga naunang namitas.
Alalahanin ninyong ito'y hindi ko ginawa para sa aking sarili lamang, Â Â Â kundi alang-alang sa lahat ng naghahangad matuto ng mabuting aral.
Kaya makinig kayo, mga pinuno ng bayan, Â Â Â kayo, mga namamahala sa kapulungan, pag-isipan ninyo ito.
Habang ikaw ay nabubuhay pa dito sa daigdig, Â Â Â huwag mong ipagkatiwala ang buhay mo kaninuman, maging sa asawa, anak, o kaibigan. At huwag mo ring ipamigay na lahat ang iyong ari-arian. Â Â Â Baka ka magsisi at mapilitang magmakaawa sa ari-ariang iyong ibinigay.
Habang ikaw ay may hininga, Â Â Â huwag mong ipailalim ang buhay mo sa iba.
Mas mabuti na ang mga anak mo ang humingi sa iyo, Â Â Â kaysa ikaw ang magmakaawa sa kanila.
Magsikap ka sa lahat mong kabuhayan, Â Â Â at huwag mong dudungisan ang iyong karangalan.
At sa wakas ng iyong buhay, kapag ika'y naghihingalo na, Â Â Â saka mo ipamana ang lahat mong ari-arian.
Ang asno'y dapat bigyan ng kumpay, karga, at latigo; Â Â Â ang alipin nama'y dapat bigyan ng pagkain, disiplina at trabaho.
Pagawain mo nang husto ang iyong alipin upang matahimik ang loob mo; Â Â Â kapag siya'y walang gawain, malamang na makaisip ng paglaya.
Singkaw at pamatok ang pampasuko sa toro; Â Â Â parusa ng berdugo ang pansupil sa masamang alipin.
Pamalagiin mo siyang abala sa gawain; Â Â Â sapagkat ang walang ginagawa ay nakakaisip ng masama.
Pagtrabahuhin mo siya, doon siya nakatalaga, Â Â Â at kung hindi sumunod, tanikalaan mo siya.
Ngunit huwag kang magmamalabis kaninuman, Â Â Â at huwag gagawa ng anumang labag sa katarungan.
Kung mayroon kang alipin, mahalin mo siyang gaya ng iyong sarili, Â Â Â sapagkat pinaghirapan mo ang salaping ibinili sa kanya.
Ituring mo siyang parang kapatid, Â Â Â sapagkat kailangan mo siya gaya ng iyong sarili. Kung maging malupit ka sa kanya at siya'y lumayas, Â Â Â saang panig ng daigdig mo siya hahanapin?