BibleAll
Home
Bible
Parallel Reading
About
Contact
Login
Verse of the Day
The LORD also will be a refuge for the oppressed, a refuge in times of trouble.
Psalm: 9:9
King James Versions
Tamil Bible
Alkitab Bible
American Standard Version
Bible Latinoamericana Spanish
Biblia Ave Maria
Biblia Cornilescu Română
Biblia Cristiana en Espaคol
Bกblia da Mulher Catขlica
Elberfelder Bible
Hebrew Bible (Tanakh)
Hindi Bible
Holy Bible in Arabic
Holy Bible KJV Apocrypha
Italian Riveduta Bible
La Bible Palore Vivante
La Bible Darby Francis
La Biblia Moderna en Espaคol
La Biblia NTV en Espaคol
Magandang Balita Biblia libre
Malayalam Bible
Marathi Bible
Tagalog Bible
Telugu Bible
The Holy Bible in Spanish
The Holy Bible RSV
The Vietnamese Bible
Urdu Bible
Zulu Bible Offline
Библия. Синодальный перевод
Punjabi Bible
Korean Bible
Select Book Name
Genesis
Exodo
Levitico
Mga Bilang
Deuteronomio
Josue
Ruth
1 Samuel
2 Samuel
1 Mga Hari
2 Mga Hari
1 Mga Cronica
2 Mga Cronica
Ezra
Nehemias
Ester
Job
Mga Awit
Mga Kawikaan
Ang Mangangaral
Ang Awit ni Solomon
Isaias
Jeremias
Mga Panaghoy
Ezekiel
Daniel
Hosea
Joel
Amos
Obadias
Jonas
Mikas
Nahum
Habakuk
Zefanias
Hagai
Zacarias
Malakias
Tobit
Judith
Ester
Karunungan ni Solomon
Ecclesiastico
Baruc
Liham ni Jeremias
Awit ng Tatlong Kabataan
Susana
Si Bel at ang Dragon
1 Macabeo
2 Macabeo
Mateo
Marcos
Lucas
Juan
Mga Gawa
Mga Taga
1 Mga Taga
2 Mga Taga
Mga Taga
Mga Taga
Mga Taga
Mga Taga
1 Mga Taga
2 Mga Taga
1 Timoteo
2 Timoteo
Tito
Filemon
Mga Hebreo
Santiago
1 Pedro
2 Pedro
1 Juan
2 Juan
3 Juan
Judas
Pahayag
Chapter
Verse
Go
Prev
Magandang Balita Biblia libre
Next
Ecclesiastico : 3
Track Name
00:00
00:00
Chapters
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
51
Mga anak, ako'y inyong ama, kaya makinig kayo. Gawin ninyo ito, at di kayo mapapahamak.
Sapagkat ang mga ama ay binigyan ng Panginoon ng kapangyarihan sa mga anak, at iniuutos niya na sundin ng mga anak ang kanilang ina.
Ang gumagalang sa kanyang ama'y nagbabayad na sa kanyang kasalanan,
at ang nagpaparangal sa kanyang ina'y parang nag-iimpok ng kayamanan.
Ang gumagalang sa kanyang ama'y paliligayahin naman ng kanyang mga anak, at ang panalangin niya'y agad diringgin ng Panginoon.
Pahahabain ng Diyos ang buhay ng nagpaparangal sa kanyang mga magulang— siya na sumusunod sa Panginoon.
Ang may paggalang sa Panginoong Diyos ay gumagalang sa kanyang mga magulang, at pinaglilingkuran niya ang kanyang magulang na parang panginoon niya.
Igalang mo ang iyong ama sa salita at sa gawa, upang sumaiyo ang kanyang pagpapala.
Pinatatatag ng pagpapala ng isang ama ang pamumuhay ng mga anak, ngunit ito ay sinisira ng sumpa ng isang ina.
Huwag mong ipagkakalat ang kahihiyan ng iyong ama, sapagkat ang kanyang kahihiyan ay hindi mo ikararangal.
Ikararangal ng sinuman ang gumalang sa kanyang ama, at kahihiyan ng mga anak ang di gumalang sa kanilang ina.
Anak, kalingain mo ang iyong ama kapag siya'y matanda na, at huwag mo siyang dudulutan ng sama ng loob habang nabubuhay.
Pagpaumanhinan mo siya kapag nanlalabo na ang kanyang isip; huwag mo siyang lalapastanganin ngayong nasa kasibulan ka na ng iyong lakas.
Ang paglingap mo sa iyong ama ay di malilimutan, iyan ay magiging kabayaran sa iyong mga kasalanan.
Ang ginawa mo sa iyong ama ay aalalahanin ng Panginoon, at ang mga kasalanan mo'y matutunaw na parang yelo pagdating ng tag-init.
Ang sinumang magpabaya sa kanyang ama ay para nang lumapastangan sa Diyos, at ang gumagawa ng ikagagalit ng ina'y susumpain ng Panginoon.
Anak, maging mapagpakumbabá ka sa pagtupad ng tungkulin, at mamahalin ka ng mga malapit sa Diyos.
(18-19) Habang ika'y dumadakila, lalo ka namang magpakumbabá; sa gayo'y kalulugdan ka ng Panginoon.
Sapagkat kahanga-hanga ang kapangyarihan ng Panginoon at dinadakila siya ng mga nagpapakumbabá.
Huwag mong hangaring maunawaan ang mga bagay na lampas sa iyong kakayahan, huwag mong saliksikin ang hindi mo kayang malaman.
Sundin mo ang Kautusang bigay sa iyo ng Panginoon; huwag mong pagkaabalahan ang inilihim niya sa iyo.
Huwag mong pakialaman ang di mo saklaw, sapagkat marami sa mga itinuro sa iyo ay lampas sa pang-unawa ng tao.
(24-25) Maraming naliligaw dahil sa kanilang pabigla-biglang hatol; napilipit ang kanilang isipan ng kanilang maling palagay.
Ang matigas ang ulo'y daranas ng pasakit sa bandang huli; ang mahilig sa panganib ay ipapahamak nito.
Ang matigas ang ulo'y laging nasusubo sa ligalig; ang nawili na sa kasalana'y palaging magkakasala.
Walang katapusan ang kapighatian ng palalo; nag-ugat na ang kasamaan sa kanyang puso.
Pinahahalagahan ng matalino ang mga talinhaga; nakikinig ang marunong pagkat nais niyang matuto.
Kung ang tubig ay pumapatay ng apoy, ang pagkakawanggawa ay pumapawi ng kasalanan.
Ang gumagawa ng mabuti sa kapwa ay naghahanda para sa kinabukasan, sapagkat kapag siya naman ang nagipit, mayroon siyang masasandalan.
×
×
Save
Close