Ituring mong kawanggawa ang ikaw ay magpahiram, Â Â Â iya'y tulong sa kapwa at pagsunod sa Kautusan.
Pahiramin ang kapwang nasa pangangailangan, Â Â Â at magbayad sa panahon, kapag ikaw ang may utang.
Tumupad ka sa pangako at lagi kang maging tapat, Â Â Â at sa iyong kagipita'y may tutulong agad-agad.
Ngunit mayroong ang akala'y hulog ng langit ang inutang, Â Â Â kaya't ang pinagkakautanga'y nabibitin sa alangan.
Sa mayamang inuutangan ang papuri'y hanggang langit, Â Â Â halos hagkan pati kamay habang siya'y namamanhik. Ngunit kapag sumapit na ang panahon ng bayaran, Â Â Â iyon ay ipinagpapaliban, sari-sari ang dahilan.
At sakaling mapabalik kalahati ng inutang, Â Â Â ito'y dapat nang ikagalak ng pobreng inutangan. Ang malimit na mangyari'y nawala na ang pautang, Â Â Â kaibiga'y nawala ri't nahalinhan ng kaaway. Bayad nito'y alimura, at masasakit na salita, Â Â Â paninirang-puri sa halip na pasasalamat.
Kaya tuloy dumarami ang ayaw magpahiram, hindi dahil sa ibig niyang magmaramot kaninuman, Â Â Â kundi dahil sa pangambang baka siya'y madaya lamang.
Datapwat kung sa dukha, ika'y maging bukás-palad,    huwag siyang paghintayin sa tulong mong igagawad.
Alang-alang sa Kautusan, maralita ay kupkupin, Â Â Â hanggang hindi nabibigyan, huwag siyang paalisin.
Mawala na ang salapi sa kapatid o kaibigan, Â Â Â huwag lamang amagin o mawala sa taguan.
Kayamanan ay gamitin nang ayon sa Batas ng Diyos, Â Â Â at papakinabangan mo nang higit pa kaysa ginto.
Paglilimos ay ituring na malaking kayamanan, Â Â Â sa lahat ng kasamaan, magsisilbing kaligtasan;
maaasahang sa tuwina'y magagamit laban sa kaaway, Â Â Â nang higit pa sa isang sibat at kalasag na matibay.
Ang mabuting tao'y gumagarantiya sa utang ng kaibigan. Â Â Â Kaya wala nang nalalabing kahihiyan ang nangangahas manloko sa kanya.
Yamang kanyang itinaya ang kanyang karangalan para sa iyo, Â Â Â huwag mo itong kalilimutang tanawing utang na loob.
Ngunit mayroong walang utang na loob na hindi na naalala ang gumarantiya para sa kanya, Â Â Â at pinababayaang mapinsala ang taong nagmalasakit.
Maraming mayaman ang naghirap dahil sa paggarantiya, Â Â Â ang sinapit nila'y daig pa ang sinalanta ng bagyo sa karagatan.
Maraming mayayaman na ang bumagsak dahil sa paggarantiya, Â Â Â at napilitan silang magpalabuy-laboy sa ibang lupain.
Ang makasalanang gumagarantiya upang kumita ng salapi, Â Â Â malimit ay nasusubo sa gulo at maraming usapin.
Tumulong ka sa kapwa mo ayon sa iyong kakayanan, Â Â Â ngunit mag-ingat ka para huwag masubo sa alangan.
Pangunahing pangangailangan sa buhay ng tao ang pagkain at inumin, ang damit na pantakip sa katawan, Â Â Â at tahanang mapangungublihan sa tingin ng madla.
Mabuti pa ang magdildil ng asin sa sariling kubo, Â Â Â kaysa kumain ng masarap sa bahay ng ibang tao.
Masiyahan ka sa kasaganaan, gayundin sa pagdarahop    nang hindi ka masabihan na ikaw ay isang linta.
Kaawa-awa ang buhay ng walang sariling tahanan; Â Â Â malimit, hindi siya makapagsalita sapagkat siya'y nanunuluyan lamang.
Kahit siya ang humarap sa mga panauhin at mag-abot ng inumin, walang magpapasalamat sa kanyang ginawa. Â Â Â Sa halip, makakarinig pa siya ng masasakit na salita:
“Halika rito, dayuhan, ihanda mo ang hapag-kainan,    at kung may dala kang pagkain, ibigay mo sa akin.â€
O kaya'y, “Umalis ka na, dayuhan, mayroon akong ibang panauhin,    darating ang kapatid ko, at kailangan ko ang silid na iyong tinutuluyan.â€
Masakit sa isang marunong makiramdam    ang siya'y hamakin ng tinutuluyan o alipustain ng pinagkakautangan.