Likewise the Spirit also helpeth our infirmities: for we know not what we should pray for as we ought: but the Spirit itself maketh intercession for us with groanings which cannot be uttered.
May tatlong bagay akong kinagigiliwan, Â Â Â na kinalulugdan ng Diyos at maganda sa paningin ng tao: ang pagsusunuran ng magkakapatid, ang pagkakaibigan ng magkapitbahay, Â Â Â at ang pagmamahalan ng mag-asawa.
Tatlong uri naman ng tao ang aking kinapopootan, Â Â Â at ang gawa nila'y labis kong kinasusuklaman: ang maralitang nagmamataas, ang mayamang sinungaling, Â Â Â at ang matandang hayok sa laman.
Kung hindi ka mag-iimpok ng Karunungan samantalang bata pa, Â Â Â anong iyong aasahan kapag tumanda na?
Kahanga-hanga ang isang matanda sa kakayahan nitong umunawa, Â Â Â at ang may karanasan sa kanyang pagpapayo.
Nararapat na ang isang matanda ay maging marunong    at ang taong marangal ay maging mabuting tagapayo.
Ang mahabang karanasan ang putong ng katandaan, Â Â Â at ang paggalang sa Panginoon ang tunay nilang karangalan.
Siyam na bagay ang nagbibigay sa akin ng kasiyahan, Â Â Â at may isa pa akong idaragdag: Ang magulang na ang kaligayahan ay ang kanyang mga anak; Â Â Â ang taong saksi sa pagbagsak ng kanyang mga kaaway;
ang lalaking may matalinong asawa; Â Â Â ang mag-asawang nagkakasundo, ang taong hindi nagkakasala sa pananalita; Â Â Â ang taong hindi naglilingkod sa mas hamak kaysa kanya;
ang taong nakatagpo ng isang tapat na kaibigan; Â Â Â ang taong kinagigiliwang pakinggan kapag siya'y nagsasalita;
ang taong nagkamit ng Karunungan; Â Â Â ngunit higit sa lahat ang taong may paggalang sa Panginoon.
(11-12) Ang paggalang sa Panginoon ay higit sa lahat ng bagay dito sa sanlibutan, Â Â Â at ang taong mayroon nito ay walang katulad.
Sa lahat ng sugat, pinakamahapdi ang sugat sa puso; Â Â Â sa lahat ng panliligalig, wala nang hihigit pa sa panliligalig ng babae.
Pinakamasakit na pahirap ang parusa ng napopoot; Â Â Â pinakamalupit na ganti ang paghihiganti ng kaaway.
Pinakamasamang kamandag ang kamandag ng ulupong; Â Â Â pinakamatinding poot ang poot ng babae.
Mabuti pa ang mag-alaga ng isang leon o dragon, Â Â Â kaysa mag-asawa ng isang masungit na babae.
Ang mukha niya'y pinapapangit ng kanyang kasungitan, Â Â Â anupa't siya'y nagmumukhang galit na oso.
Kapag ang asawa niya'y kasalo ng kanyang mga kaibigan, Â Â Â abut-abot ang kanyang buntong-hiningang di mapigilan.
Walang ligalig sa buhay na maipapantay sa kaligaligang dulot ng babae; Â Â Â nawa'y sapitin din niya ang kasawian ng mga makasalanan.
Kung gaano kahirap para sa isang matanda ang umahon sa isang bundok na buhangin, Â Â Â gayon kahirap para sa isang lalaking tahimik ang makisama sa isang babaing madaldal.
Huwag kang pahahalina sa kagandahan ng babae, Â Â Â at huwag kang mahuhumaling na makamtan siya.
Kapag ang lalaki'y palamunin ng asawa, Â Â Â wala siyang mahihintay kundi kadustaan, kahihiyan at alimura.
Ang masungit na babae'y hirap ng loob ng asawa, Â Â Â at wala siyang idudulot dito kundi pawang kalungkutan, kabiguan at kahihiyan.
Sa babae nagsimula ang kasalanan, Â Â Â at dahil sa kanya tayong lahat ay mamamatay.
Huwag mong babayaang tumulo ang tubig, Â Â Â at pigilan mo ang masamang pananalita ng iyong asawa.
Kung ayaw niyang pasakop sa iyo, Â Â Â mabuti pa'y hiwalayan mo siya.