Anak, kung nais mong maglingkod sa Panginoon, Â Â Â humanda ka sa mga pagsubok.
Maging tapat ka at magpakatatag, Â Â Â huwag kang masisiraan ng loob sa panahon ng kasawian.
Manalig ka sa Panginoon at huwag kang lalayo sa kanya, Â Â Â upang ikaw ay parangalan sa katapusan ng iyong buhay.
Tanggapin ang anumang ipagkaloob niya sa iyo, Â Â Â tiisin mo ang kabiguan kahit ano ang mangyari.
Kung ang ginto ay dinadalisay sa apoy, Â Â Â ang banal ay sinusubok ng Panginoon sa apoy ng paghamak.
Magtiwala ka at tutulungan ka niya, Â Â Â mamuhay ka sa katuwiran at umasa sa kanya.
Kayong may paggalang sa Panginoon, maghintay kayo ng kanyang habag; Â Â Â huwag kayong lalayo sa kanya nang hindi kayo mapahamak.
Kayong may paggalang sa Panginoon, magtiwala kayo sa kanya, Â Â Â at siguradong tatanggap kayo ng gantimpala.
Kayong lahat na may paggalang sa Panginoon, umasa kayo sa kanyang pagpapala. Â Â Â Asahan ninyo ang kanyang pagkahabag at kagalakang walang hanggan.
Tingnan ninyo ang nangyari sa ating mga ninuno: Â Â Â May nagtiwala ba sa Panginoon at nabigo? May nanatili bang naglilingkod sa kanya na kanyang pinabayaan? Â Â Â May tumawag ba sa kanya na hindi niya dininig?
Sapagkat maawain at mapagpatawad ang Panginoon, Â Â Â pinatatawad niya tayo sa ating kasalanan at inililigtas sa kagipitan.
Kawawa ang mahihinang-loob at mga tamad, Â Â Â kawawa ang makasalanang mapagkunwari.
Kawawa ang mahihina ang loob! Ayaw nilang magtiwala, Â Â Â kaya hindi naman sila tatangkilikin.
Kawawa kayong mga nawalan ng pag-asa at ayaw nang makibaka, Â Â Â ano ang gagawin ninyo kapag pinarusahan kayo ng Panginoon?
Ang mga may paggalang sa Panginoon at di sumusuway sa kanyang utos, Â Â Â ang mga umiibig sa kanya'y namumuhay ayon sa kanyang kalooban.
Ang mga may paggalang sa Panginoon ay nagsisikap na siya'y bigyang-lugod; Â Â Â ang kanyang Kautusan ang umiiral sa buhay ng mga umiibig sa kanya.
Ang mga may paggalang sa Panginoon ay handang maglingkod sa kanya, Â Â Â nagpapakababa sila sa kanyang harapan. Sabi nila,
“Ipinagkakatiwala natin ang ating buhay sa Panginoon sa halip na sa mga tao,    sapagkat kapantay ng kanyang kamahalan ang kanyang habag.â€