Humingi kayo ng ulan kay Yahweh, sa panahon ng tagsibol. Sa kanya na lumilikha ng ulap at hamog na nagpapasariwa sa mga pananim.
Ang mga diyus-diyosan ay wala ng kabuluhan; Â Â Â ang pangitain ng mga manghuhula ay pawang kasinungalingan; ang mga panaginip nila'y walang katotohanan; Â Â Â ang kanilang sinasabi'y wala ring kabuluhan. Kaya't mga tao'y parang tupang naliligaw, Â Â Â pagkat walang pastol na sa kanila'y umaakay.
Ang mga pastol ay aking kinapopootan, Â Â Â at ang mga pinuno ay aking paparusahan. Mahal ko ang Juda, kaya siya'y iingatan, Â Â Â palalakasin ko silang parang kabayo sa digmaan.
Sa kanila magmumula ang batong-panulukan; Â Â Â sa kanila manggagaling ang tulos ng tolda; sa kanila magmumula ang panang panudla, Â Â Â mula rin sa kanila ang pinunong mamamahala.
Ang mga anak ng Juda ay mabubuo at sila'y magiging isang malakas na hukbo. Â Â Â Ang kaaway nila'y kanilang yuyurakan, kanilang tatapakan sa maputik na lansangan. Sila ay lalaban sapagkat si Yahweh ang kanilang patnubay; Â Â Â ibabagsak nila ang mga kawal na kabayuhan.
“Ang sambahayan ni Juda'y bibigyan ko ng lakas;    ang sambahayan ni Jose'y aking ililigtas. Ibabalik ko sila sa dating tirahan;    sapagkat sila ay aking kinahabagan, na para bang di ko sila pinabayaan. Ako si Yahweh, ang kanilang Diyos,    aking diringgin ang kanilang dalangin.
Ang mga taga-Efraim ay magdiriwang, katulad nila'y kawal na nagtagumpay. Â Â Â Aawit sila sa galak na parang nakainom ng alak. Makikita ito ng mga anak nila at matutuwa, Â Â Â si Yahweh ay pupurihin sapagkat siya ang gumawa.
“Tatawagin ko sila at muling titipunin,    sa mga kaaway sila'y aking tutubusin;    at tulad noong una, sila'y pararamihin.
Bagaman sila'y pinangalat ko sa iba't ibang mga bansa, Â Â Â hindi nila ako malilimutan doon, Â Â Â sila at ang mga anak nila'y maliligtas at makakabalik sa kanilang tahanan.
Sila'y aking ibabalik mula sa Egipto, Â Â Â at aking titipunin mula sa Asiria; upang iuwi sa Gilead at Lebanon, Â Â Â hanggang ang lupain ay mapuno ng tao.
Tatawid sila sa dagat ng Egipto, Â Â Â at papayapain ko ang malalaking alon nito; Â Â Â aking tutuyuin ang Ilog Nilo. Ibabagsak ko ang Asiria na palalo, Â Â Â maging setro ng Egipto'y tiyak na maglalaho.
Ang aking bayan ay aking palalakasin,    susundin nila ako at sasambahin.â€Ako si Yahweh, ang nagsabi nito.