Sa matinding galit ni Yahweh, ipinahiya niya ang Zion! Â Â Â Ibinagsak niya ang karangalan ng Israel; Â Â Â sa araw ng kanyang poot nakalimutan niyang Zion ang kanyang tuntungan.
Walang awang winasak ni Yahweh ang lahat ng nayon ni Jacob; Â Â Â sinira niya ang matitibay na kuta ng Juda; Â Â Â ang kaharian at mga pinuno nito'y kanyang ibinagsak at inilagay sa kahihiyan.
Sa tindi ng kanyang galit ay iginupo niya ang hukbo ng Israel; Â Â Â hindi niya kami tinulungan nang dumating ang kaaway. Â Â Â Nag-aalab ang galit niya sa amin, gaya ng paglamon ng apoy sa buong paligid.
Para siyang kaaway, tinudla niya kami ng pana, Â Â Â at nilipol ang lahat ng kinalulugdan nami't ipinagmamalaking mamamayan. Â Â Â Ibinuhos niya sa Jerusalem ang tindi ng kanyang galit, parang isang apoy na sa kanya'y tumupok.
Tulad ng kaaway, winasak ni Yahweh ang Israel. Â Â Â Giniba niya ang mga palasyo at lahat ng kuta; Â Â Â inilagay niya ang Juda sa walang katapusang pagdadalamhati.
Pinaguho niya ang tabernakulo nito gaya ng isang halamanan; Â Â Â winakasan ni Yahweh ang mga itinakdang pista at Araw ng Pamamahinga, Â Â Â at itinakwil niya ang mga hari at mga pari dahil ang kanyang galit ay matindi.
Itinakwil ni Yahweh ang kanyang altar, tinalikuran ang kanyang templo; Â Â Â ipinagiba niya sa mga kaaway ang mga pader nito. Â Â Â Dahil sa kanilang tagumpay, nagkaingay sa tuwa ang mga kaaway sa lugar na dati'y buong galak naming pinagdarausan ng pagsamba.
Ipinasya ni Yahweh na wasakin ang pader ng Zion, Â Â Â itinakda niya ang ganap na pagkasira nito; hindi niya iniurong ang kanyang balak na pagwasak. Â Â Â Ngayon, ang muog at ang kuta ay nakaguho.
Gumuho na rin ang mga pintuang-bayan, bali ang mga panara nito, pati na rin ang mga tarangkahan. Â Â Â Nangalat sa mga bansa ang kanyang hari at mga pinuno; wala nang kautusang umiiral, Â Â Â at wala na ring pangitain mula kay Yahweh ang kanyang mga propeta.
Tahimik na nakalugmok sa lupa    ang pinuno ng Jerusalem;    naglagay sila ng abo sa ulo at nakasuot ng damit-panluksa.    Ang mga dalaga sa Jerusalem ay nakaluhod, ang mukha'y halos sayad sa lupa.
Namumugto ang mga mata ko sa kaiiyak. Bagbag na bagbag ang aking kalooban. Â Â Â Matindi ang pagdadalamhati ko dahil sa kapahamakang sinapit ng aking bayan; Â Â Â nakahandusay sa mga lansangan ang mga bata at ang mga sanggol.
Nag-iiyakan sila at patuloy na humihingi ng pagkain at inumin. Â Â Â Nanlulupaypay sila na parang mga sugatan sa mga lansangan. Â Â Â Unti-unting nangangapos ang mga hininga sa kandungan ng kanilang mga ina.
Ano ang masasabi ko sa iyo, O Jerusalem, Jerusalem, lunsod na pinakamamahal ko? Â Â Â Saan kita maitutulad upang ika'y aking maaliw? Â Â Â Sapagkat sinlawak ng dagat ang iyong kasiraan; tila wala nang pag-asa.
Ang sinasabi ng inyong mga propeta ay pawang kasinungalingan. Â Â Â Dinadaya nila kayo sa hindi nila paglalantad ng inyong kasamaan. Â Â Â Pinapaniwala nila kayo na hindi na ninyo kailangang magsisi sa inyong mga kasalanan.
O lunsod ng Jerusalem,    hinahamak ka't pinagtatawanan ng lahat ng nagdaraan.    Sinasabi nila, “Ito ba ang lunsod na huwaran ng kagandahan? Ito ba ang kagalakan ng lahat ng bansa?â€
Iniismiran ka ng iyong mga kaaway at kanilang sinasabi,    “Nawasak na rin natin siya!    Sa wakas bumagsak din siya sa ating mga kamay.â€
Isinagawa nga ni Yahweh ang kanyang balak; tinupad niya ang kanyang banta. Â Â Â Walang awa niya tayong winasak; Â Â Â pinagtagumpay niya ang ating kaaway at dinulutan ng kagalakan sa paglupig sa atin.
Dumaing ka nang malakas kay Yahweh, Jerusalem. Â Â Â Araw-gabi, hayaan mong umagos ang iyong luha gaya ng ilog; Â Â Â huwag kang tumigil sa iyong pag-iyak.
Bumangon ka't humiyaw nang paulit-ulit sa magdamag, sa bawat pagsisimula ng oras ng pagbabantay. Â Â Â Tulad ng tubig, ibuhos mo sa harapan ni Yahweh ang laman ng iyong puso! Â Â Â Itaas mo sa kanya ang iyong mga kamay alang-alang sa iyong mga anak; nanlulupaypay sila sa gutom, nakahandusay sa mga lansangan.
Yahweh, tingnan mo kung sino ang iyong pinaparusahan. Â Â Â Matuwid bang kainin ng mga babae ang kanilang supling, na sa kanila rin naman nanggaling? Â Â Â O dapat bang patayin sa templo ang pari at ang propeta?
Naghambalang sa mga lansangan ang patay, bata't matanda, dalaga't binata. Nilipol mo sila nang araw na ikaw ay magalit; walang awa mo silang pinatay.
Aking mga kalaban iyong inanyayahan; tuwang-tuwa sila na para bang nasa pistahan. Â Â Â Kaya ang mga anak kong inaruga sa mga kaaway ko'y pinapuksa, Â Â Â dahil sa araw na iyon galit mo'y matindi.