Sa araw na iyon ay aawitin ng mga tao ang ganito: “Yahweh, ikaw ay aking pasasalamatan,    sapagkat kung nagalit ka man sa akin noon,    nawala na ang galit mo ngayon, at ako'y iyong inaliw.
Tunay na ang Diyos ang aking kaligtasan, Â Â Â sa kanya ako magtitiwala at hindi ako matatakot, sapagkat ang Panginoong Yahweh ang aking kapangyarihan at kalakasan, Â Â Â siya ang aking tagapagligtas.
Malugod kayong sasalok ng tubig sa balon ng kaligtasan.â€
Sasabihin ninyo sa araw na iyon: “Magpasalamat kayo kay Yahweh, siya ang inyong tawagan;    ipaalam ninyo sa mga bansa ang kanyang mga gawa,    ipahayag ninyo ang kadakilaan ng kanyang pangalan.
Umawit kayo ng papuri kay Yahweh, sapagkat kahanga-hanga ang kanyang mga ginawa, Â Â Â ibalita ninyo ito sa buong daigdig.
Mga taga-Zion, sumigaw kayo at umawit nang buong galak,    sapagkat nasa piling ninyo ang dakila at ang Banal na Diyos ng Israel.â€