Likewise the Spirit also helpeth our infirmities: for we know not what we should pray for as we ought: but the Spirit itself maketh intercession for us with groanings which cannot be uttered.
Ang paa mong makikinis, Â Â Â O babaing tila reyna, ang hugis ng iyong hita, isang obra maestra.
Ang pusod mo'y anong rikit, mabilog na tila kopa, Â Â Â laging puno niyong alak na matamis ang lasa. Balakang mo'y mapang-akit, bigkis-trigo ang kapara, Â Â Â ang paligid ay tulad ng mga liryong kay gaganda.
Ang iyong dibdib, O giliw, parang kambal na usa, Â Â Â punung-puno pa ng buhay, malulusog, masisigla.
Ang leeg mo ay katulad ng toreng gawa sa marmol, Â Â Â mga mata'y nagniningning, parang bukal sa may Hesbon. Ilong mo ay ubod ganda, parang tore ng Lebanon, Â Â Â mataas na nakabantay sa may Lunsod ng Damasco.
Para bang Bundok ng Carmel, ulo mong napakaganda, Â Â Â ang buhok mong tinirintas, kasingganda ng purpura, Â Â Â kaya naman pati hari'y nabihag mo't nahalina.
Kay ganda mo, aking mahal; kay ganda mo, aking sinta, Â Â Â sa akin ay nagdudulot ka ng galak at ligaya.
Kay hinhin ng iyong kilos tulad ng punong palmera, Â Â Â ang dibdib mong ubod yaman ay tulad ng buwig niya.
Puno niya'y aakyatin upang bunga ay pitasin. Sa tingin ko ang dibdib mo'y buwig ng ubas ang kahambing, Â Â Â hininga mo ay mabango, mansanas nga ang katuring.
Ang tamis ng iyong labi ay katulad ng inumin, Â Â Â dahan-dahang tumatalab habang ito'y sinisimsim.
Itong buhay na taglay ko'y sa sinta ko nakalaan, Â Â Â sa akin siya'y nananabik, lagi akong inaasam.
Halika na, aking mahal, tayo na ro'n sa may parang, Â Â Â ang gabi ay palipasing magkasalo sa ubasan.
At pagdating ng umaga, isa-isa nating tingnan    kung ang puno'y nagsusupling, bulaklak ay lumilitaw;    ganoon din ang granada, tingnan natin ang bulaklak,    at doon ay lasapin mo ang pag-ibig kong matapat.
Ang halaman ng mondragora ay iyo ngang masasamyo, Â Â Â bungangkahoy na masarap ay naroon sa ating pinto, ito'y aking inihanda, inilaan ko sa iyo, Â Â Â at lahat ng kaaliwan, maging luma maging bago.