BibleAll
Home
Bible
Parallel Reading
About
Contact
Login
Verse of the Day
I love the LORD, because he hath heard my voice and my supplications.
Psalm: 116:1
King James Versions
Tamil Bible
Alkitab Bible
American Standard Version
Bible Latinoamericana Spanish
Biblia Ave Maria
Biblia Cornilescu Română
Biblia Cristiana en Espaคol
Bกblia da Mulher Catขlica
Elberfelder Bible
Hebrew Bible (Tanakh)
Hindi Bible
Holy Bible in Arabic
Holy Bible KJV Apocrypha
Italian Riveduta Bible
La Bible Palore Vivante
La Bible Darby Francis
La Biblia Moderna en Espaคol
La Biblia NTV en Espaคol
Magandang Balita Biblia libre
Malayalam Bible
Marathi Bible
Tagalog Bible
Telugu Bible
The Holy Bible in Spanish
The Holy Bible RSV
The Vietnamese Bible
Urdu Bible
Zulu Bible Offline
Библия. Синодальный перевод
Punjabi Bible
Korean Bible
Select Book Name
Genesis
Exodo
Levitico
Mga Bilang
Deuteronomio
Josue
Ruth
1 Samuel
2 Samuel
1 Mga Hari
2 Mga Hari
1 Mga Cronica
2 Mga Cronica
Ezra
Nehemias
Ester
Job
Mga Awit
Mga Kawikaan
Ang Mangangaral
Ang Awit ni Solomon
Isaias
Jeremias
Mga Panaghoy
Ezekiel
Daniel
Hosea
Joel
Amos
Obadias
Jonas
Mikas
Nahum
Habakuk
Zefanias
Hagai
Zacarias
Malakias
Tobit
Judith
Ester
Karunungan ni Solomon
Ecclesiastico
Baruc
Liham ni Jeremias
Awit ng Tatlong Kabataan
Susana
Si Bel at ang Dragon
1 Macabeo
2 Macabeo
Mateo
Marcos
Lucas
Juan
Mga Gawa
Mga Taga
1 Mga Taga
2 Mga Taga
Mga Taga
Mga Taga
Mga Taga
Mga Taga
1 Mga Taga
2 Mga Taga
1 Timoteo
2 Timoteo
Tito
Filemon
Mga Hebreo
Santiago
1 Pedro
2 Pedro
1 Juan
2 Juan
3 Juan
Judas
Pahayag
Chapter
Verse
Go
Prev
Magandang Balita Biblia libre
Next
Mga Kawikaan : 2
Track Name
00:00
00:00
Chapters
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
Aking anak, ang mga pangaral ko ay dinggin mo, at ang aking mga utos, ingatan nga at sundin mo.
Ang pakinig mo'y ibaling sa wastong karunungan, at ito ay isipin nang iyong maunawaan.
Pagsikapan mong hanapin ang tunay na kaalaman, pang-unawa'y pilitin mong makita at masumpungan.
Kung ito ay parang pilak na iyong hahanapin, at tulad ng ginto, na iyong miminahin,
malalaman mo kung ano ang kahulugan ng paggalang at pagsunod kay Yahweh, at matatamo ang kaalaman tungkol sa Diyos.
Sapagkat si Yahweh ang nagkakaloob ng karunungan, sa bibig niya ang kaalaman at unawa'y bumubukal.
Bibigyan niya ng unawa ang matuwid ang pamumuhay, at ang taong matapat ay kanyang iingatan.
Binabantayan niya ang daan ng katarungan, at ang lakad ng lingkod niya'y kanyang sinusubaybayan.
Kaya nga, iyong mauunawaan ang katuwiran at katarungan, at iyong susundan ang landas ng kabutihan.
Lalawak ang karunungang matatanim sa isipan, madadama ang kasiyahang dulot nitong kaalaman.
Ang natamong kaalaman sa iyo ay mag-iingat, ang unawa'y maglilihis sa liku-likong landas.
Ilalayo ka nito sa masamang pamumuhay, at doon sa mga taong ang nais ay kaguluhan;
ilalayo ka rin nito sa mga tampalasan, na ang landas na pinili ay landas ng kadiliman,
mga taong ang hilig ay paggawa ng kasamaan, ang kanilang kasiyaha'y pawang walang kabuluhan.
Sa ugaling taglay nila'y di sila maaasahan, sila ay hindi tapat, hindi mapagkakatiwalaan.
Malalayo ka sa babaing mahalay, at sa kanyang pang-aakit ay hindi ka maaakay.
Siya ay babaing hindi tapat sa asawa; ang sumpaan sa altar ay binale-wala niya.
Kaya naman ang landas niya'y patungo sa kamatayan, at ang kanyang buhay ay tungo sa kawakasan.
Sinumang maakit niya ay tuluyang natatangay, at hindi na makakabalik sa maayos na pamumuhay.
Kaya nga, tahakin mo ang landas ng kabutihan, huwag itong hiwalayan hanggang hininga ay mapatid.
Pagkat ang mabuting tao'y magtatagal sa daigdig, ang may buhay na matapat ay hindi matitinag.
Ngunit ang masama sa lupai'y mawawala, bubunutin pati ugat ng lahat ng mandaraya.
×
×
Save
Close