Kasuklam-suklam kay Yahweh ang timbangang may daya, Â Â Â ngunit kasiyahan naman ang timbangang tama.
Kahihiyan ang laging dulot ng kapalaluan, Â Â Â ngunit pagpapakumbaba'y nagbubunga ng karunungan.
Ang tuntunin ng matuwid ay katapatan, Â Â Â ngunit ang masama'y wawasakin ng kanyang kataksilan.
Walang halaga ang yaman sa araw ng kamatayan, Â Â Â ngunit ang katuwiran ay naglalayo sa kapahamakan.
Mas panatag ang landas ng tapat ang pamumuhay, Â Â Â ngunit nabubuwal ang masama sa sariling kabuktutan.
Ang katuwiran ng mga matuwid ang nagliligtas sa kanya, Â Â Â ngunit ang masama ay bilanggo ng kanyang masamang nasa.
Ang pag-asa ng masama ay kasama niyang pumapanaw, Â Â Â ang umasa sa kayamanan ay mawawalang kabuluhan.
Ang matuwid ay inilalayo sa bagabag, Â Â Â ngunit ang masama ay doon bumabagsak.
Ang labi ng walang Diyos, sa iba ay mapanira, Â Â Â ngunit ang dunong ng matuwid ay nagliligtas ng kapwa.
Kapag ang matuwid ay pinagpapala, ang bayan ay nagagalak, Â Â Â ngunit higit ang katuwaan kapag ang masama'y napapahamak.
Dahil sa salita ng matuwid ang bayan ay tumatatag, Â Â Â ngunit sa kasinungalingan ng masama ang lunsod ay nawawasak.
Ang kapos sa kaalaman ay humahamak sa kapwa, Â Â Â ngunit laging tahimik ang taong may unawa.
Walang maitatago sa bibig ng madaldal, Â Â Â ngunit ang tunay na kaibigan, iyong mapagkakatiwalaan.
Sa kakulangan ng tuntunin, ang bansa ay bumabagsak, Â Â Â ngunit sa payo ng nakararami, tagumpay ay tiyak.
Ang nananagot para sa iba, sa gusot ay nasasadlak, Â Â Â ngunit ang ayaw gumarantiya ay malayo sa bagabag.
Ang babaing mahinhin ay nag-aani ng karangalan, Â Â Â ngunit ang walang dangal, tambakan ng kahihiyan. Lagi sa kahirapan ang taong tamad, Â Â Â ngunit masagana ang buhay ng isang masipag.
Ang taong mabait ay nag-iimpok ng kabutihan, Â Â Â ngunit winawasak ng marahas ang sarili niyang buhay.
Anuman ang anihin ng masama ay walang kabuluhan, Â Â Â ngunit ang gawang mabuti ay may pagpapalang taglay.
Ang taong nasa matuwid ay makasusumpong ng buhay, Â Â Â ngunit ang landas ng masama ay patungo sa kamatayan.
Ang kaisipang masama kay Yahweh ay kasuklam-suklam, Â Â Â ngunit ang lakad ng matuwid, kay Yahweh ay kasiyahan.
Ang taong masama'y di makakaligtas sa kaparusahan, Â Â Â ngunit hindi maaano ang nabubuhay sa katuwiran.
Ang magandang babae ngunit mangmang naman, Â Â Â ay tila gintong singsing sa nguso ng baboy.
Anumang nais ng matuwid ay nagbubunga ng kabutihan, Â Â Â ngunit ang mahihintay lang ng masama ay kaparusahan.
Ang taong mapagbigay ay lalong yumayaman, Â Â Â ngunit naghihirap ang tikom na mga kamay.
Ang taong matulungin, sasagana ang pamumuhay, Â Â Â at ang marunong tumulong ay tiyak na tutulungan.
Sinusumpa ng lahat ang nagkakait ng butil, Â Â Â ngunit pinupuri ang nagbibigay ng pagkain.
Kung mabuti ang hangarin, ikaw ay igagalang, Â Â Â kapag humanap ng gulo, iyon ay masusumpungan.
Malalantang tila dahon ang nagtitiwala sa kanyang yaman, Â Â Â ngunit ang matuwid ay giginhawa, tulad ng sariwang halaman.
Ang nagpupunla ng gulo sa sariling sambahayan, Â Â Â mag-aani ng problema, gugulo ang pamumuhay. Ang taong mangmang at walang nalalaman, Â Â Â ay alipin ng matalino habang siya'y nabubuhay.
Buhay ang dulot ng matuwid na pamumuhay, Â Â Â at kamatayan naman ang hatid ng karahasan.
Ang matuwid ay ginagantimpalaan dito sa lupa, Â Â Â ngunit paparusahan naman ang mga makasalanan at masasama!