Si Yahweh ay naghahari kaya't sa takot ay, Â Â Â mga tao'y nanginginig, trono'y sa ibabaw ng mga kerubin, Â Â Â kaya daigdig ay nayayanig.
Si Yahweh'y dakilang tunay, sa Zion o sa mga bansa, Â Â Â si Yahweh ang naghahari sa lahat ng mga nilikha.
Purihin natin ang banal at dakila niyang ngalan, Â Â Â si Yahweh ay banal!
Ikaw ay dakilang Hari, umiibig sa katuwiran, Â Â Â ang dulot mo sa Israel ay ganap na katarungan; Â Â Â ang dulot mo sa kanila ay pagtinging pantay-pantay.
Si Yahweh na ating Diyos ay lubos na parangalan; Â Â Â sa harap ng kanyang trono, tayo ay manambahan! Â Â Â Si Yahweh ay banal!
Si Moises at si Aaron, na mga pari niya; Â Â Â at si Samuel nama'y lingkod na sa kanya ay sumamba; Â Â Â nang si Yahweh'y dalanginan, dininig naman sila.
Si Yahweh ay nagsalita sa isang haliging ulap; Â Â Â sila naman ay nakinig utos niya ay tinupad.
O Yahweh na aming Diyos, sinagot mo sila agad, Â Â Â at ikaw ay nakilalang Diyos na mapagpatawad; Â Â Â ngunit pinagdurusa mo kung ang gawa'y hindi tumpak.
Ang Diyos natin na si Yahweh, dapat nating parangalan, Â Â Â sa banal na bundok niya sambahin ang kanyang ngalan! Si Yahweh na ating Diyos ay banal!