Kumanta ng bagong awit at kay Yahweh ay ialay, Â Â Â pagkat mga ginawa niya ay kahanga-hangang tunay! Sa sariling lakas niya at kabanalan niyang taglay, Â Â Â walang hirap na natamo itong hangad na tagumpay.
Ang tagumpay ni Yahweh, siya na rin ang naghayag, Â Â Â sa harap ng mga bansa'y nahayag ang pagliligtas.
Ang pangako sa Israel lubos niyang tinutupad, Â Â Â tapat siya sa kanila at ang pag-ibig ay wagas. Ang tagumpay ng ating Diyos kahit saan ay nahayag!
Magkaingay na may galak, lahat ng nasa daigdig; Â Â Â si Yahweh ay buong galak na purihin sa pag-awit!
Sa saliw ng mga lira kayong lahat ay umawit, Â Â Â at si Yahweh ay purihin sa ating mga tugtugin.
Tugtugin din ang trumpeta na kasaliw ang tambuli, Â Â Â magkaingay sa harapan ni Yahweh na ating Hari.
Mag-ingay ka, karagatan, at lahat ng lumalangoy, Â Â Â umawit ang buong mundo at lahat ng naroroon.
Umugong sa palakpakan pati yaong karagatan; Â Â Â umawit ding nagagalak ang lahat ng kabundukan.
Si Yahweh ay dumarating, maghahari sa daigdig; Â Â Â taglay niya'y katarungan at paghatol na matuwid.