Karapatang magparusa, O Yahweh, ay taglay mo, Â Â Â ipakita mo ngayon ang karapatang ganito;
Tumayo ka at sa lupa'y igawad ang iyong hatol, Â Â Â ang hambog ay hatulan mo ng parusang nauukol.
Hanggang kailan kaya, Yahweh, magagalak ang masama? Â Â Â Hanggang kailan ibabantog ang kanilang mga gawa?
Gaano bang katagal pa ang masama'y maghahambog, Â Â Â upang sila'y magmalaki sa kanilang gawang buktot?
Kanila ngang nililipol itong mga hinirang mo, Â Â Â Yahweh, inaapi nila mga taong tinubos mo.
Ang mga ulila, balo't mamamayan ng ibang bansa, Â Â Â pinapatay nila ito at kanilang pinupuksa.
Madalas na sinasabi, “Hindi kami pansin ni Yahweh,    hindi kami nakikita ni pansin ng Diyos ni Jacob.â€
Unawain ninyo, bayan, kayong kulang ang isipan; Â Â Â hanggang kailan pa durunong kayong mga taong mangmang?
Itong Diyos na lumikha nitong ating mata't tainga, Â Â Â akala ba ninyo'y bingi at ni hindi makakita?
Sa lahat ng mga bansa di ba siya ang hahatol? Â Â Â Di ba siya'ng guro nila pagkat siya ang marunong?
Batid ni Yahweh mga plano nating baluktot, Â Â Â katulad lang ng hininga, madaling malagot.
Mapalad ang mga taong tumatanggap ng pangaral, Â Â Â silang sa iyo'y tumatanggap ng turo sa kautusan.
Pagkat sila'y magdaranas ng kapahingahan, Â Â Â hanggang yaong masasama'y mahulog sa kanilang hukay.
Mga lingkod ni Yahweh ay hindi niya iiwanan, Â Â Â itong mga hirang niya'y hindi niya tatalikdan;
mababalik sa matuwid ang ganap na katarungan, Â Â Â diwang ito ang susundin ng tapat ang pamumuhay.
Sino kaya'ng kakampi ko sa pagbaka sa masama? Â Â Â Sino ngayon ang babaka sa masama nilang gawa?
O Yahweh, kung ako nga ay hindi mo tinulungan, Â Â Â akin sanang kaluluwa'y naroon na sa libingan.
Kapag aking nagunitang, “Ang paa ko'y dumudulas,†   dahilan sa pag-ibig mo, O Yahweh, ako'y tumatatag.
Kapag ako ay ginugulo ng maraming suliranin, Â Â Â ang wagas na pag-ibig mo ang umaaliw sa akin.
Sa iyo ba ay papanig mga hukom na masama, Â Â Â na ang laging kapasyaha'y ang hatol na hindi tama?
Sama-sama silang lagi't ang matuwid ang kalaban, Â Â Â ang hatol sa walang sala ay hatol na kamatayan.
Ngunit ikaw, O Yahweh, ang sa aki'y nagtatanggol. Â Â Â Ikaw na aking Diyos ang matibay na kanlungan.
Sa masamang gawa nila ay Diyos ang gaganti, Â Â Â lilipulin niyang lahat, pagkat sila'y di mabuti; Â Â Â ang wawasak sa kanila ay ang Diyos na si Yahweh.