Yahweh, aking Diyos, tanging ikaw lamang, aking kaligtasan, Â Â Â pagsapit ng gabi, dumudulog ako sa iyong harapan.
Ako ay dinggin mo, sa pagdalangin ko ako ay pakinggan, Â Â Â sa aking pagdaing ako ay tulungan.
Ang kaluluwa ko ay nababahala't puspos ng problema. Â Â Â Dahilan sa hirap pakiwari'y buhay ko'y umiiksi na.
Ibinilang ako, niyong malapit nang sa hukay ilagak, Â Â Â ang aking katulad ay mahina na't ubos na ang lakas.
Ang katulad ko pa ay ang iniwanan sa gitna ng patay, Â Â Â animo'y nasawi na nananahimik sa kanyang libingan. Tulad na rin ako nitong mga tao na iyong nilimot, Â Â Â parang mga tao na sa iyong tulong ay hindi maabot.
Dinala mo ako sa may kadilimang hukay na malalim, Â Â Â na tulad ng libingan na ubod ng dilim.
Ikaw ay nagalit, at ang bigat nito'y sa akin nabunton, Â Â Â ang katulad ko'y tinabunan ng malaking alon. (Selah)
Mga kasama ko'y hinayaan mo na ako ay iwan, Â Â Â hinayaan silang mamuhi sa aki't ako'y katakutan, kaya hindi ako makatakas ngayo't pintua'y nasarhan. Â Â Â
Dahilan sa lungkot, ang aking paningi'y waring lumalamlam, kaya naman, Yahweh, tumatawag ako sa iyo araw-araw, Â Â Â sa pagdalangin ko ay taas ang kamay.
Makakagawa ba ikaw, Panginoon, ng kababalaghan, Â Â Â para purihin ka niyong mga patay? (Selah)
Ang pag-ibig mo ba doon sa libinga'y ipinapahayag, Â Â Â o sa kaharian niyong mga patay ang iyong pagtatapat?
Doon ba sa dilim ang dakilang gawa mo ba'y makikita, Â Â Â o iyong kabutihan, sa mga lupaing tila nalimot na?
Sa iyo, O Yahweh, ako'y nananangis at nananawagan, Â Â Â sa tuwing umaga ako'y tumatawag sa iyong harapan.
Di mo ako pansin, Yahweh, aking Diyos, di ka kumikibo. Â Â Â Bakit ang mukha mo'y ikinukubli mo, ika'y nagtatago?
Mula pagkabata ako'y nagtiis na, halos ikamatay; Â Â Â ang iyong parusa'y siyang nagpahina sa aking katawan.
Sa aking sarili, tindi ng galit mo'y aking nadarama, Â Â Â ako'y mamamatay kundi ka hihinto ng pagpaparusa.
Parang baha sila kung sumasalakay sa aking paligid, Â Â Â sa buong maghapon kinukubkob ako sa lahat ng panig.
Iyong pinalayo mga kaibigan pati kapitbahay; Â Â Â ang tanging natira na aking kasama ay ang kadiliman.