Mahal ko ang iyong templo, O Makapangyarihang Yahweh!
Nasasabik ang lingkod mo na sa templo ay pumasok.    Ang buo kong pagkatao'y umaawit na may lugod, sa masayang pag-awit ko pinupuri'y buháy na Diyos.
Panginoon, sa templo mo, mga maya'y nagpupugad, Â Â Â maging ibong layang-layang sa templo mo'y nagagalak, may inakay na kalinga sa tabi ng iyong altar; Â Â Â O Yahweh, hari namin at Diyos na walang hanggan.
Mapalad na masasabi, silang doo'y tumatahan    at palaging umaawit, nagpupuring walang hanggan. (Selah)
Ang sa iyo umaasa'y masasabing mapalad din, Â Â Â silang mga naghahangad, sa Zion ay makarating.
Habang sila'y naglalakbay sa tigang na kapatagan, Â Â Â tuyong lupa'y binabaha sa maagap na pag-ulan.
Habang sila'y lumalakad, lalo silang lumalakas, Â Â Â batid nilang nasa Zion ang Diyos nilang hinahanap.
Dinggin mo ang dalangin ko, O Yahweh, Makapangyarihang Diyos, Â Â Â O ikaw na Diyos ni Jacob, dinggin mo ang iyong lingkod. (Selah)
Basbasan mo, aming Diyos, itong hari naming mahal, Â Â Â pagpalain mo po siya pagkat ikaw ang humirang.
Kahit isang araw lamang, mas gusto ko sa templo mo, Â Â Â kaysa isang libong araw na iba ang tahanan ko. Gusto ko pang maging bantay sa pinto ng iyong templo, Â Â Â kaysa ako'y tumira sa bahay ng mga palalo.
Pagkat ang Panginoong Yahweh, pag-asa at sanggalang,    kami'y pinagpapala mo sa pag-ibig mo at dangal. Hindi siya nagkakait ng mabuting mga bagay    sa sinumang ang gawain ay matuwid at marangal.
O Yahweh, ang Diyos na Makapangyarihan sa lahat, Â Â Â ang magtiwala sa iyo'y masasabing mapalad!