Kayo ngayon ay makinig sa turo ko, mga anak, Â Â Â inyong dinggi't ulinigin, salita kong binibigkas.
Itong aking sasabihin ay bagay na talinhaga, Â Â Â nangyari pa noong una, kaya ito'y mahiwaga.
Ito'y aming narinig na, kaya naman aming alam, Â Â Â nagbuhat sa aming nuno na sa ami'y isinaysay.
Sa sarili naming anak ito'y hindi ililihim,    ito'y aming isasaysay sa sunod na lahi namin;    mga gawang tinutukoy ay lubhang kahanga-hanga    na si Yahweh ang gumanap, mga gawa niyang dakila.
Mayro'n siyang patotoo na kay Jacob itinatag, Â Â Â mayro'n siyang kautusang sa Israel iniatas; ang utos sa ating nuno, dapat nilang ipatupad, Â Â Â ituturong lagi ito, sa kanilang mga anak.
Sa lahat ng lahi nila ito'y dapat na iaral, Â Â Â at ang angkang susunod pa ay marapat na turuan.
Sa ganito, masusunod nilang lagi yaong utos, Â Â Â ang matatag na pag-asa'y ilalagak nila sa Diyos, Â Â Â at ang dakila niyang gawa'y hindi nila malilimot.
Sa kanilang mga nuno, hindi dapat na pumaris, Â Â Â na matigas ang damdaming sa Diyos ay naghimagsik; isang lahing di marunong magtiwala at magtiis, Â Â Â ang pag-asa ay marupok at kulang ang pananalig.
Tulad ng Efraimita, mga pana ang sandata, Â Â Â sa panahon ng labana'y nagsitakas pa rin sila.
Ang tipan sa Panginoo'y hindi nila sinusunod, Â Â Â hindi sila lumalakad nang ayon sa mga utos.
Nakalimutan na nila ang lahat ng kabutihan, Â Â Â mga gawa ng ating Diyos na kanilang hinangaan.
Ang lahat ng gawang ito, noong una'y nasaksihan, Â Â Â ang nangyari sa Egipto, sa lupain nitong Zoan,
hinawi niya yaong dagat, doon sila pinaraan, Â Â Â ang tubig sa magkabila'y parang pader kung pagmasdan.
Kapag araw, sa paglakad naging gabay nila'y ulap, Â Â Â at kung gabi naman, tanglaw ay apoy na maliwanag.
May tubig na iniinom kahit sila nasa ilang, Â Â Â sa batuha'y umaagos na likas sa kalaliman.
Mula roon sa batuhan, ang tubig ay umaagos, Â Â Â daloy nito kung pagmasdan, katulad ay isang ilog.
Ngunit sila'y patuloy rin sa kanilang kasalanan, Â Â Â sinusuway nila ang Diyos habang sila'y nasa ilang.
Sadya nilang sinusubok, ginagalit nila ang Diyos; Â Â Â ang hiningi ay pagkaing gustung-gusto nilang lubos.
Kinalaban nila ang Diyos nang sabihin ang ganito:    “Sa gitna ba nitong ilang mabubusog niya tayo?
Nang hampasin yaong bato, oo't tubig ay bumukal,    dumaloy ang mga batis, tubig doon ay umapaw; ngunit ito yaong tanong, tayo kaya'y mabibigyan    ng tinapay na masarap at ng karneng kailangan?â€
Nang marinig ang ganito, si Yahweh nama'y nag-init, Â Â Â sa hinirang niyang bansa'y nag-apoy ang kanyang galit.
Pagkat sila ay ayaw nang sa Diyos ay magtiwala, Â Â Â sa pangakong pagliligtas ay ayaw nang maniwala.
Gayon pa man, itong Diyos nag-utos sa kalangitan, Â Â Â at ang mga pinto nito'y agad-agad na nabuksan.
Bunga nito, ang pagkai'y bumuhos na parang ulan, Â Â Â ang pagkain nilang manna, sa kanila'y ibinigay.
Ang kaloob na pagkai'y pagkain ng mga anghel, Â Â Â hindi sila nagkukulang, masagana kung dumating.
Yaong ihip ng amihan, ay siya rin ang nag-utos, Â Â Â sa taglay na lakas niya'y dumating ang hanging timog.
Ang pagkain nilang karne'y masaganang dumarating, Â Â Â makapal na mga ibon na sindami ng buhangin.
Sa gitna ng kampo nila ay doon na bumabagsak, Â Â Â sa palibot ng tolda ay doon nila kinakalap.
Kinakain nila ito, nasisiyahan silang lahat, Â Â Â binibigyan sila ng Diyos ng pagkaing hinahangad.
Ngunit habang kinakain ang pagkaing idinulot, Â Â Â at hindi pa tumitigil pagkat di pa nabubusog,
pagkagalit sa nangyari, ipinakita ng Diyos, Â Â Â sa kanilang kabataan, parusa niya'y ibinuhos; Â Â Â ang mga malalakas at mga magagaling, buhay nila'y tinapos.
Sa ganitong gawa ng Diyos, sunod-sunod na himala, Â Â Â ganti nila ay paglabag, hindi pa rin naniwala.
Kaya't yaong pasya ng Diyos, ang araw ay wakasan na, Â Â Â bigla-biglang paratingin sa kanila ang parusa.
Subalit noong sila ay lilipulin na ng Diyos, Â Â Â nagsisi ang karamiha't sa kanya'y nagbalik-loob.
Noon nila nagunitang ang sanggalang nila'y ang Diyos, Â Â Â ang Kataas-taasang Diyos ay kanilang Manunubos.
Kaya't siya ay pinuri, ng papuring hindi tapat, Â Â Â pagkat yao'y pakunwari't balatkayong matatawag.
Sa kanilang mga puso, naghahari'y kataksilan, Â Â Â hindi sila naging tapat sa ginawa niyang tipan.
Gayon pa man, palibhasa'y Diyos siyang mahabagin, Â Â Â ang masamang gawa nila'y kanyang pinatawad pa rin; Â Â Â dahilan sa pag-ibig niya'y hindi sila wawasakin, kung siya ma'y nagagalit, ito'y kanyang pinipigil.
Nagunita pa ni Yahweh, sila'y mga tao lamang, Â Â Â hanging di na nagbabalik matapos na makaraan.
Madalas na nag-aalsa noong sila'y nasa ilang; Â Â Â ang ganitong gawa nila'y labis niyang dinaramdam.
Lagi siyang sinusubok, hindi sila tumitigil, Â Â Â ginagalit nilang lagi itong Banal na Diyos ng Israel.
Ang kapangyarihan niya'y ayaw nilang gunitain, Â Â Â gayong sila'y iniligtas sa kaaway nilang taksil.
Ang ginawa nitong Diyos na lubos na hinangaan, Â Â Â ay nangyari sa Egipto sa lupain nitong Zoan.
Yaong mga ilog doo'y naging dugong umaagos, Â Â Â kaya walang makainom sa batis at mga ilog.
Makapal na mga langaw at palaka ang dumating, Â Â Â nataranta silang lahat, di malaman ang gagawin.
Dumating ang maninira sa taniman ng halaman, Â Â Â mga tanim ay kinain ng balang na di mabilang.
Pati tanim na ubasa'y winasak ng ulang yelo, Â Â Â anupa't sa kalamiga'y namatay ang sikamoro.
Nang ulanin na ng yelo, mga baka ay namatay, Â Â Â sa talim ng mga kidlat namatay ang mga kawan.
Sa ganito ay nadama ang matinding poot ng Diyos, Â Â Â kaya sila ay winasak sa sama ng kanyang loob, Â Â Â mga anghel ang gumanap ng parusang sunod-sunod.
Ang matinding galit ng Diyos hindi niya pinigilan, Â Â Â yaong naging wakas nila'y humantong sa kamatayan; Â Â Â dahilan sa isang salot, buhay nila ay pumanaw.
Yaong lahat na panganay sa Egipto ay pinatay, Â Â Â ang panganay na lalaki sa Egiptong lahi ni Ham.
Tinipon ang kanyang hirang na animo'y mga tupa, Â Â Â inakay sa lupaing ilang sa kanyang pangunguna.
Inakay nga at naligtas, kaya naman di natakot, Â Â Â samantalang ang kanilang kaaway ay nangalunod.
Inihatid sila ng Diyos sa lupain niyang banal, Â Â Â sa bundok na mismong siya ang kumuha sa kaaway.
Itinaboy niyang lahat ang naroong namamayan, Â Â Â pinaghati-hati niya ang lupaing naiwanan; Â Â Â sa kanilang mga tolda ang Israel ay nanahan.
Ngunit sila'y naghimagsik sa Kataas-taasang Diyos, hindi nila iginalang ang kanyang mga utos; Â Â Â
katulad ng nuno nila sila'y kusang tumalikod, Â Â Â nagtaksil na wari'y panang lumipad nang walang taros.
Nanibugho itong Diyos, sa kanila ay nagalit, Â Â Â nang makita ang dambana ng larawang iniukit.
Sumama ang loob niya noong ito ay mamasid, Â Â Â itinakwil ang Israel sa tindi ng kanyang galit.
Kaya't kanyang iniwanan ang tahanang nasa Shilo, Â Â Â yaong toldang tirahan niya sa gitna ng mga tao.
Sagisag ng kanyang lakas, ang Kaban ng kanyang Tipan, Â Â Â binayaan na mahulog at makuha ng kaaway.
Nagalit sa kanyang baya't ibinigay sa kaaway, Â Â Â kaya naman ang marami sa kanila ay namatay.
Kanilang mga binata ay nasawi sa labanan, Â Â Â dalaga mang magaganda'y wala nang mapangasawa.
Pati mga pari nila, sa patalim ay napuksa, Â Â Â ang kanilang mga balo'y ni ayaw nang magluksa.
Parang tulog na gumising, si Yahweh ay nagbangon, ang katawan ay masigla, tumayo ang Panginoon; Â Â Â parang taong nagpainit sa alak na iniinom.
Pinaurong ang kaaway, lahat niyang katunggali, Â Â Â napahiya silang lahat, pawang galit na umuwi.
Maging ang lahi ni Jose, sadya niyang itinakwil, Â Â Â at di niya pinagbigyan pati lahi ni Efraim.
Sa halip, pinili niya'y ang sambahayan ni Juda, Â Â Â at ang bundok naman ng Zion ang tirahang minahal niya.
Doon niya itinayo yaong banal na santuwaryo, Â Â Â katulad ng nasa langit na tahanan niyang dako; lubos niyang pinatatag na tulad ng mundong ito.
Ang kinuhang pangunahi'y sa mahirap pa hinugot, Â Â Â isang pastol ang napili, si David na kanyang lingkod.
Ang alagang dati nito ay kawan ng mga hayop, Â Â Â nang maghari sa Israel, nanguna sa bayan ng Diyos.
Matuwid na namahala, namalakad na mahusay, Â Â Â lubos silang kinalinga sa tulong niya at patnubay.