Likewise the Spirit also helpeth our infirmities: for we know not what we should pray for as we ought: but the Spirit itself maketh intercession for us with groanings which cannot be uttered.
Kay buti ng Diyos sa taong matuwid, Â Â Â sa lahat ng taong ang puso'y malinis.
Ngunit ang sarili'y halos bumagsak, Â Â Â sa paghakbang ko'y muntik nang madulas!
Sa taong mayabang, ako'y naiinggit nga, Â Â Â at sa biglang yaman ng mga masama.
Ni hindi nagdanas ng anumang hirap, Â Â Â sila'y masisigla't katawa'y malakas.
Di tulad ng ibang naghirap nang labis, Â Â Â di nila dinanas ang buhay na gipit.
Ang pagmamalaki ay kinukuwintas, Â Â Â at ang dinaramit nila'y pandarahas.
Ang tibok ng puso'y pawang kasamaan, Â Â Â at masasama rin ang nasa isipan;
mga ibang tao'y pinagtatawanan, ang yayabang nila, Â Â Â ang layon sa buhay ay ang pang-aapi sa kapwa nilalang.
Diyos mang nasa langit ay tinutungayaw, Â Â Â labis kung mag-utos sa mga nilalang;
kaya sumusunod pati lingkod ng Diyos, Â Â Â anumang sabihi'y paniwalang lubos.
Ang sabi, “Ang Diyos walang nalalaman,    walang malay yaong Kataas-taasan.â€
Ang mga masama'y ito ang kagaya, Â Â Â di na kinukulang ay naghahanap pa.
Samantalang ako, malinis ang palad, Â Â Â hindi nagkasala't lubos na nag-ingat, at aking natamo'y kabiguang lahat.
Diyos, pinagtiis mo ako ng hirap, Â Â Â sa tuwing umaga'y parusa ang gawad.
Kung ang mga ito'y aking sasabihin, Â Â Â sa mga lingkod mo, ako'y magtataksil;
kaya't sinikap kong ito'y saliksikin, Â Â Â mahirap-hirap mang ito'y unawain.
Gayunman, sa templo'y doon ko natuklas, Â Â Â na ang masasama ay mapapahamak;
dinala mo sila sa dakong madulas, Â Â Â upang malubos na, kanilang pagbagsak;
walang abug-abog sila ay nawasak, Â Â Â kakila-kilabot yaong naging wakas!
Parang panaginip nang ako'y magising, Â Â Â pati anyo nila'y nalimutan na rin.
Nang ang aking isip hindi mapalagay, Â Â Â at ang damdamin ko'y labis na nasaktan,
di ko maunawa, para akong tanga, Â Â Â sa iyong harapa'y hayop ang kagaya.
Gayon pa ma'y sinasamahan mo ako, Â Â Â sa aking paglakad ay inaakay mo.
Ang mga payo mo'y umakay sa akin, Â Â Â marangal na ako'y iyong tatanggapin.
Sino pa sa langit, kundi ikaw lamang, Â Â Â at maging sa lupa'y, aking kailangan?
Puso ko't kaluluwa kung nanghihina man, Â Â Â ang Diyos ang lakas kong tanging kailangan.
Yaong hihiwalay sa iyo'y mamamatay, Â Â Â at ang nagtataksil wawasaking tunay.
Ngunit sa sarili, tanging hangarin ko, sa piling ng Diyos manatili ako! Â Â Â Sa piling ng Panginoong Yahweh, ako'y mapanatag, Â Â Â ang kanyang ginawa'y aking ihahayag.