Iligtas mo ako ngayon, Yahweh, ako ay iligtas, Â Â Â tulungan mo ako, O Diyos, nang di mapahamak!
Mga taong nagtatangkang kumitil sa aking buhay, Â Â Â bayaan mong mangalito't mag-ani ng kabiguan; iyon namang natutuwa sa taglay kong kahirapan, Â Â Â bayaan mong mapahiya at magapi ng kalaban.
Sila namang ang layunin ay magtawa at mangutya, Â Â Â sa kanilang pagkatalo, bayaan ding mapahiya.
Ang lahat ng lumalapit sa iyo ay magkatuwa, gayon din ang nagmamahal sa pagtubos mong ginawa,    at sabihing lagi nila: “O Diyos, ikaw ay dakila!â€
Lubos akong naghihirap, tunay na nanghihina, Â Â Â lumapit ka sana agad, O Diyos, sana'y lumapit ka; O aking tagapagligtas, katulong ko sa tuwina, Â Â Â huwag mo akong paghintayin, Yahweh, sana'y mahabag ka!