Likewise the Spirit also helpeth our infirmities: for we know not what we should pray for as we ought: but the Spirit itself maketh intercession for us with groanings which cannot be uttered.
O Diyos! Iligtas mo, iahon sa tubig    sa pagkalubog kong abot na sa leeg;
lumulubog ako sa burak at putik, Â Â Â at sa malalaking along nagngangalit.
Ako ay malat na sa aking pagtawag, Â Â Â ang lalamunan ko, damdam ko'y may sugat; pati ang mata ko'y di na maidilat, Â Â Â sa paghihintay ko sa iyong paglingap.
Silang napopoot nang walang dahilan, Â Â Â higit na marami sa buhok kong taglay; mga sinungaling na nagpaparatang, Â Â Â ang hangad sa akin ako ay mapatay. Ang pag-aari kong di naman ninakaw, Â Â Â nais nilang kuni't dapat daw ibigay.
Batid mo, O Diyos, naging baliw ako, Â Â Â ako'y nagkasala, di pa lingid sa iyo.
Huwag mo pong tulutan na dahil sa akin, Â Â Â ang nagtitiwala sa iyo'y hiyain; Yahweh, Makapangyarihang Panginoon ng Israel! Â Â Â Huwag mo ring itulot, bigyang kahihiyan ang nagsisisamba sa iyong pangalan.
Ako ay nilait nang dahil sa iyo, Â Â Â napahiyang lubos sa kabiguan ko.
Sa mga kapatid parang ako'y iba, Â Â Â kasambahay ko na'y di pa ako kilala.
Ang malasakit ko sa iyong tahanan, matinding-matindi sa aking kalooban; Â Â Â ako ang nakaranas, paghamak sa iyong pangalan.
Nagpapakumbabá akong nag-ayuno,    at ako'y hinamak ng maraming tao;
ang suot kong damit, na aking panluksa, Â Â Â ay pinagtawana't hinamak na lubha.
Sa mga lansanga'y ako ang usapan, Â Â Â ang awit ng lasing sa aki'y pag-uyam.
Ngunit sa ganang akin, ako'y dadalangin, Â Â Â sa iyo, O Yahweh, sana'y iyong dinggin sa mga panahon na iyong ibigin. Dahil sa dakilang pag-ibig sa akin, Â Â Â ang iyong pangakong pagtubos ay gawin.
Iligtas mo ako, ako ay sagipin, Â Â Â sa putik na ito't tubig na malalim; Â Â Â sa mga kaaway, ako'y iligtas din.
Huwag mong tulutang ako ay maanod, Â Â Â o dalhin sa malalim at baka malunod; Â Â Â hahantong sa libing, ako pagkatapos.
Yahweh, sa buti mo't pag-ibig sa akin, sa aking pagtawag ako sana'y dinggin, Â Â Â sa pagkahabag mo, ako ay lingapin.
Ang iyong alipi'y huwag mong pagkublihan, Â Â Â ibsan mo na ako sa bigat ng pasan.
Iligtas mo ako, ako ay lapitan; Â Â Â sagipin mo ako sa mga kaaway.
Kinukutya ako, iya'y iyong alam, Â Â Â sinisiraang-puri't nilalapastangan; Â Â Â di lingid sa iyo, lahat kong kaaway.
Puso ko'y durog na dahilan sa kutya,    kaya naman ako'y wala nang magawâ; ang inasahan kong awa ay nawala,    ni walang umaliw sa buhay kong abâ.
Sa halip na pagkain, nang ako'y magutom, ang dulot sa aki'y mabagsik na lason. Â Â Â Suka at di tubig ang ipinainom.
O bumagsak sana sila at masira, Â Â Â habang nagdiriwang sila't naghahanda.
Bulagin mo sila't nang di makakita, Â Â Â papanghinain mo ang katawan nila.
Ibuhos ang iyong galit sa kanila, Â Â Â bayaan mong ito'y kanilang madama.
Mga kampo nila sana ay iwanan,    at walang matira na isa mang buháy.
Ang mga nagtamo ng iyong parusa, nilalait-lait, inuusig nila; Â Â Â pinag-uusapan sa tuwi-tuwina, ang sinugatan mo't hirap na sa dusa.
Itala mong lahat ang kanilang sala, Â Â Â sa mangaliligtas, huwag silang isama.
Sa aklat ng buhay, burahin ang ngalan, Â Â Â at huwag mong isama sa iyong talaan.
Naghihirap ako't mahapdi ang sugat, Â Â Â O Diyos, ingatan mo, ako ay iligtas!
Pupurihin ang Diyos, aking aawitan, Â Â Â dadakilain ko't pasasalamatan.
Sa ganitong diwa ika'y nalulugod, higit pa sa haing torong ihahandog, Â Â Â higit pa sa bakang ipagkakaloob.
Kung makita ito nitong mga dukha, Â Â Â sila ay sasamba sa laki ng tuwa.
Dinirinig ng Diyos ang may kailangan, Â Â Â lingkod na bilanggo'y di nalilimutan.
Ang Diyos ay purihin ng langit at lupa, Â Â Â maging karagata't naroong nilikha!
Ang Lunsod ng Zion, kanyang ililigtas, Â Â Â bayang nasa Juda'y muling itatatag; doon mananahan ang mga hinirang, ang lupain doo'y aariing tunay. Â Â Â
Magmamana nito'y yaong lahi nila, Â Â Â may pag-ibig sa Diyos ang doo'y titira.