At purihin ang Diyos na may kagalakan; wagas na papuri sa kanya'y ibigay! Â Â Â Awitan siya't luwalhatiin siya!
Ito ang sabihin sa Diyos na Dakila:    “Ang mga gawa mo ay kahanga-hanga;    yuyuko sa takot ang mga kaaway, dahilan sa taglay mong kapangyarihan.
Ang lahat sa lupa ika'y sinasamba,    awit ng papuri yaong kinakanta;    ang iyong pangala'y pinupuri nila.†(Selah)
Ang ginawa ng Diyos, lapit at pagmasdan, Â Â Â ang kahanga-hangang ginawa sa tanan.
Naging tuyong lupa kahit na karagatan, Â Â Â mga ninuno nati'y doon dumaan; doo'y naramdaman labis na kagalakan.
Makapangyarihang hari kailanman, Â Â Â siya'y nagmamasid magpakailanman; Â Â Â kaya huwag magtatangkang sa kanya'y lumaban. (Selah)
Ang lahat ng bansa'y magpuri sa Diyos, Â Â Â inyong iparinig papuring malugod.
Iningatan niya tayong pawang buháy,    di tayo bumagsak, di niya binayaan!
O Diyos, sinubok mo ang iyong mga hirang, Â Â Â sinubok mo kami upang dumalisay; Â Â Â at tulad ng pilak, kami'y idinarang.
Iyong binayaang mahulog sa bitag, Â Â Â at pinagdala mo kami nang mabigat.
Sa mga kaaway ipinaubaya, Â Â Â sinubok mo kami sa apoy at baha, Â Â Â bago mo dinala sa dakong payapa.
Ako'y maghahandog sa banal mong templo    ng aking pangako na handog sa iyo.
Pati pangako ko, nang may suliranin, Â Â Â ay ibibigay ko, sa iyo dadalhin.
Natatanging handog ang iaalay ko; susunuging tupa, kambing, saka toro, Â Â Â mababangong samyo, halimuyak nito. (Selah)
Lapit at makinig, ang nagpaparangal sa Diyos, Â Â Â at sa inyo'y aking isasaysay ang kanyang ginawang mga kabutihan.
Ako ay tumawag, sa Diyos ay nagpuri, Â Â Â kanyang karangalan, aking sinasabi.
Kung sa kasalanan ako'y magpatuloy, Â Â Â di sana ako dininig ng ating Panginoon.
Ngunit tunay akong dininig ng Diyos, Â Â Â sa aking dalangin, ako ay sinagot.
Purihin ang Diyos! Siya'y papurihan, Â Â Â pagkat ang daing ko'y kanyang pinakinggan, Â Â Â at ang pag-ibig niya sa aki'y walang katapusan.