Likewise the Spirit also helpeth our infirmities: for we know not what we should pray for as we ought: but the Spirit itself maketh intercession for us with groanings which cannot be uttered.
Marapat na ikaw, O Diyos, sa Zion ay papurihan, Â Â Â dapat nilang tupdin doon ang pangakong binitiwan, Â Â Â
pagkat yaong panalangin nila'y iyong dinirinig. Dahilan sa kasalanan, lahat sa iyo ay lalapit. Â Â Â
Bunga nitong pagkukulang, kaya kami nalulupig, Â Â Â gayon pa man, patawad mo'y amin pa ring nakakamit.
Silang mga hinirang mo, upang sa templo manahan, Â Â Â silang mga pinili mo'y mapalad na tuturingan! Magagalak kaming lubos sa loob ng templong banal, Â Â Â dahilan sa dulot nitong pagpapala sa nilalang.
Kami'y iyong dinirinig, Tagapagligtas naming Diyos, Â Â Â sa kahanga-hangang gawa, kami'y iyong tinutubos. Kahit sino sa daigdig, sa ibayong karagatan, Â Â Â may tiwala silang lahat sa taglay mong kabutihan.
Sa taglay mong kalakasan, mga bundok tumatatag; Â Â Â dakila ka't ang lakas mo ay sa gawa nahahayag!
Ang ugong ng karagatan, iyong pinatatahimik, Â Â Â pati along malalaki sa panahong nagngangalit; Â Â Â maging mga kaguluhan nilang mga nagagalit.
Dahilan sa ginawa mong mga bagay na dakila, Â Â Â natatakot ang daigdig, at ang buong sangnilikha. Bunga nitong ginawa mo, sa galak ay sumisigaw, Â Â Â buong mundo, kahit saang sulok nitong daigdigan.
Umuulan sa lupain, ganito mo kinalinga, Â Â Â umuunlad ang lupai't tumataba yaong lupa. Patuloy na umaagos ang bigay mong mga batis, Â Â Â sa halamang nasa lupa, ay ito ang dumidilig; ganito ang ginawa mo na hindi mo ikinait. Â Â Â
Sa binungkal na bukirin ang ulan ay masagana, Â Â Â ang bukirin ay matubig, at palaging basang-basa; sa banayad na pag-ulan ay lumambot yaong lupa, Â Â Â kaya naman pati tanim ay malago at sariwa.
Nag-aani nang marami sa tulong mong ginagawa, Â Â Â at saanman magpunta ka'y masaganang-masagana.
Ang pastula'y punung-puno ng matabang mga kawan, Â Â Â naghahari yaong galak sa lahat ng kaburulan.
Gumagala yaong tupa sa gitna ng kaparangan, Â Â Â at hitik na hitik naman ang trigo sa kapatagan. Ang lahat ay umaawit, sa galak ay sumisigaw!