O Diyos, ikaw ang aking Diyos na lagi kong hinahanap; Â Â Â ang uhaw kong kaluluwa'y tanging ikaw nga ang hangad; Â Â Â para akong tuyong lupa na tubig ang siyang lunas.
Hayaan mong sa santuwaryo ika'y aking mapagmasdan, Â Â Â at ang likas mong kaluwalhatian at kapangyarihan.
Ang wagas na pag-ibig mo'y mainam pa kaysa buhay, Â Â Â kaya pupurihin kita, O Diyos, at pararangalan.
Habang ako'y nabubuhay, ako'y magpapasalamat, Â Â Â at ako ay dadalangin na kamay ko'y nakataas.
Itong aking kaluluwa'y tunay na masisiyahan, Â Â Â magagalak na umawit ng papuring iaalay.
Laman ka ng gunita ko samantalang nahihimlay, Â Â Â magdamag na ang palaging iniisip ko ay ikaw; Â Â Â
ikaw ang sa aki'y tumutulong sa tuwina, kaya sa iyong pagkupkop ligaya kong awitan ka.
Itong aking kaluluwa'y sa iyo lang nananalig, Â Â Â kaligtasan ko'y tiyak, dahil sa iyo'y nakasandig.
Ngunit silang nagbabantang kumitil sa aking buhay, Â Â Â sila nga ang masasadlak sa malamig na libingan.
Mamamatay silang lahat sa larangan ng digmaan, Â Â Â kakanin ng asong-gubat ang kanilang mga bangkay.
Dahilan sa iyo, O Diyos, Â Â Â ang hari ay magdiriwang, kasama ng mga tapat magpupuring walang hanggan. Â Â Â Ngunit silang sinungaling, bibig nila ay tatakpan.