Likewise the Spirit also helpeth our infirmities: for we know not what we should pray for as we ought: but the Spirit itself maketh intercession for us with groanings which cannot be uttered.
Dinggin mo, O Diyos, ang aking dalangin; Â Â Â inyo pong pakinggan, ang aking hinaing!
Tumatawag ako dahilan sa lumbay, Â Â Â sapagkat malayo ako sa tahanan. Iligtas mo ako, ako ay ingatan, Â Â Â
pagkat ikaw, O Diyos, ang aking kanlungan, Â Â Â matibay na muog laban sa kaaway.
Sa inyo pong tolda, ako ay payagan na doon tumira habang nabubuhay; Â Â Â sa lilim ng iyong bagwis na malakas, ingatan mo ako nang gayo'y maligtas. (Selah)
Lahat kong pangako, O Diyos, iyong alam    at abâ mong lingkod, tunay na binigyan ng mga pamana na iyong inilaan sa nagpaparangal sa iyong pangalan.
Ang buhay ng hari sana'y pahabain; Â Â Â bayaang ang buhay niya'y patagalin!
Paghahari niya sa iyong harapan, sana'y magpatuloy habang nabubuhay; Â Â Â kaya naman siya ay iyong lukuban ng iyong pag-ibig na walang kapantay.
At kung magkagayon, kita'y aawitan, Â Â Â ako'y maghahandog sa iyo araw-araw.