Kami'y iyong itinakwil, O Diyos, kami ay nilupig, Â Â Â kami sana'y balikan mo kung ikaw man ay nagalit.
Yaong lupang sinaktan mo'y nanginginig na lupain, Â Â Â bago lubos na mawasak, gamutin mo't pagalingin.
Labis na ang paghihirap nitong iyong mga lingkod, Â Â Â lasing kami't langung-lango sa alak na iyong dulot.
Silang mga sumasamba, O Diyos, iyong hinudyatan, Â Â Â upang sila'y makatakas sa kamay nitong kalaban. (Selah)
Ang dalangin nami'y dinggin, sa lakas mo ay iligtas, Â Â Â upang sila na mahal mo'y mahango sa paghihirap.
Sinabi nga nitong Diyos mula sa dako niyang banal,    “Hahatiin ko ang Shekem tanda ng pagtatagumpay;    ibibigay ko ang Sucot sa lingkod ko't mga hirang.
Ang Gilead at Manases, ang lugar na yao'y akin; Â Â Â ang helmet na gagawin ko ay ang dako ng Efraim; Â Â Â samantalang itong Juda ay setrong dadakilain.
Yaong bansa nitong Moab ay gagawin kong hugasan,    samantalang itong Edom ay lupa kong tatapakan;    at sa Filistia, tagumpay ko'y ipagsisigawan.â€
Sa lunsod na kinutaan, sino'ng kasama, Panginoon? Â Â Â Sino kayang magdadala sa akin sa lupang Edom?
Itinakwil mo ba kami, kami ba ay iniwan na? Â Â Â Paano ang hukbo namin, sino ngayon ang sasama?
O Diyos, kami'y tulungan mo, laban sa aming kaaway, Â Â Â pagkat ang tulong ng tao ay wala nang kabuluhan;
Kung ang Diyos ang kasama, kasama sa panig namin, Â Â Â matatamo ang tagumpay, ang kaaway tatalunin.