Mahabag ka, O aking Diyos, ikaw sana ay mahabag; Â Â Â sa iyo ako lumalapit upang ako ay maligtas, pagkat aking nasumpungan sa lilim ng iyong pakpak, Â Â Â ligtas ako sa panganib hanggang ito ay lumipas.
Yaong aking tinatawag, ang Diyos na Kataas-taasan, Â Â Â ang Diyos na nagbibigay ng lahat kong kailangan.
Magmula sa kalangitan, diringgin ang aking hibik, Â Â Â ang lahat ng kaaway ko'y lubos niyang magagapi; Â Â Â ang tapat niyang pagmamahal at matatag na pag-ibig, ihahayag ito ng Diyos, sa aki'y di ikakait. (Selah)
Kasama ko'y mga leon, kapiling ko sa paghimlay, Â Â Â mabangis na mga hayop na sisila sa sinuman; parang sibat at palaso yaong ngipin nilang taglay, Â Â Â matulis ang mga dila na animo'y mga sundang.
Purihin ka nawa, O Diyos, sa rurok ng kalangitan; Â Â Â dito naman sa daigdig ay ang iyong karangalan!
Nadarama ng sarili, lagi na lang pagdurusa; hinuhuli ng kaaway; masilo ako, nais nila, Â Â Â ngunit sila ang nahulog sa bitag na inihanda. (Selah)
Panatag na ako, O Diyos, ako ngayo'y matatag, Â Â Â purihin ka at awitan, ng awiting masisigla.
Gumising ka, kaluluwa, gumising ka't purihin siya! Â Â Â Gumising ka't tugtugin mo yaong lumang lira't alpa; Â Â Â tumugtog ka at hintayin ang liwayway ng umaga.
Sa gitna ng mga bansa, kita'y pasasalamatan; Â Â Â Yahweh, ika'y pupurihin sa gitna ng iyong bayan.
Pag-ibig mong walang maliw ay abot sa kalangitan, Â Â Â nadarama sa itaas ang lubos mong katapatan.
Purihin ka nawa, O Diyos, sa rurok ng kalangitan; Â Â Â dito naman sa daigdig ay ang iyong karangalan!