Maawa ka, Panginoon, ako'y iyong kahabagan, Â Â Â lagi akong inuusig, nilulusob ng kaaway;
nilulusob nila ako, walang tigil, buong araw, Â Â Â O kay rami nila ngayong sa akin ay lumalaban.
Kapag ako'y natatakot, O aking Diyos na Dakila; Â Â Â sa iyo ko ilalagak, pag-asa ko at tiwala.
Pangako niyang binitiwa'y pinupuri ko nang lubos, Â Â Â tanging sa iyo, umaasa't nananalig ako, O Diyos; Â Â Â sa tao ring katulad ko, hindi ako matatakot.
Ang lahat ng kaaway ko'y lagi akong ginugulo, Â Â Â ang palaging iniisip ay kanilang saktan ako;
Lagi silang sama-sama sa kublihan nilang dako, Â Â Â naghihintay ng sandali upang kitlin ang buhay ko.
Sa masama nilang gawa, O Diyos, sila'y parusahan, Â Â Â sa tindi ng iyong galit gapiin mo silang tunay!
Ang taglay kong sulirani'y nababatid mo nang lahat, Â Â Â pati mga pagluha ko'y nakasulat sa iyong aklat.
Kapag sumapit ang sandaling tumawag ako sa iyo,    tiyak na malulupig ang lahat ng kalaban ko; pagkat aking nalalamang, “Ang Diyos ay nasa panig ko.†  Â
May tiwala ako sa Diyos, pangako niya'y iingatan, Â Â Â pupurihin ko si Yahweh sa pangakong binitiwan.
Lubos akong umaasa't may tiwala ako sa Diyos; Â Â Â sa tao ring katulad ko, hindi ako matatakot.
Ang anumang pangako ko'y dadalhin ko sa iyo, O Diyos, Â Â Â ang alay ng pasalamat ay sa iyo ihahandog.
Pagkat ako'y iniligtas sa bingit ng kamatayan, Â Â Â iniligtas mo rin ako sa ganap na kasiraan. Upang ako ay lumakad sa presensya mo, O Diyos, Â Â Â sa landas nitong liwanag na ikaw ang nagdudulot!