Ang panalangin ko, O Diyos, pakinggan, Â Â Â mga daing ko ay huwag namang layuan.
Lingapin mo ako, ako ay sagipin, Â Â Â sa bigat ng aking mga suliranin.
Sa maraming banta ng mga kaaway, Â Â Â nalilito ako't hindi mapalagay. Ang dulot sa akin nila'y kaguluhan, Â Â Â namumuhi sila't may galit ngang tunay.
Itong aking puso'y tigib na ng lumbay, Â Â Â sa aking takot na ako ay pumanaw.
Sa tindi ng takot, ako'y nanginginig, Â Â Â sinasaklot ako ng sindak na labis.
Wika ko, “Kung ako lamang ay may pakpak, parang kalapati, ako ay lilipad;    hahanapin ko ang dakong panatag.
Aking liliparin ang malayong lugar, Â Â Â at doon sa ilang ako mananahan. (Selah)
Ako ay hahanap agad ng kanlungan    upang makaiwas sa bagyong darating.â€
Sila ay wasakin, Yahweh, guluhin mo; pag-uusap nila'y bayaang malito, Â Â Â yamang karahasan ang nakikita ko, at sa lunsod nila ay nagkakagulo.
Sa lunsod na puno ng sama't ligalig, Â Â Â araw-gabi'y doon sila lumiligid;
Sa gitna ng lunsod na wasak nang tunay, naghahari pa rin ang katiwalian; Â Â Â pati pang-aapi ay nasasaksihan.
Kaya kong mabata at mapagtiisan, Â Â Â kung ang mangungutya ay isang kaaway; kung ang maghahambog ay isang kalaban, Â Â Â kayang-kaya ko pang siya'y pagtaguan!
Ang mahirap nito'y tunay kong kasama, Â Â Â aking kaibigang itinuturing pa!
Dati'y kausap ko sa bawat sandali    at maging sa templo, kasama kong lagi.
Biglang kamatayan nawa ay dumating,    ihuhulog ng buháy, sa daigdig ng mga patay; sa kanilang puso't maging sa tahanan, yaong naghahari'y pawang kasamaan.
Kay Yahweh lang ako hihingi ng saklolo; Â Â Â aking natitiyak, ililigtas ako.
Sa umaga't hapon, maging sa gabi rin. Â Â Â Aking itataghoy ang mga hinaing, Â Â Â at ang aking tinig ay kanyang diringgin.
Ililigtas ako mula sa labanan, Â Â Â at pababaliking taglay ang tagumpay, Â Â Â matapos gapiin ang mga kaaway.
Ang Diyos na hari sa mula't mula pa    ay diringgin ako, lulupigin sila; (Selah) pagkat ni sa kanya'y wala silang takot,    ayaw nang magbago at magbalik-loob.
Itong taong dati'y aking kasamahan, mga kaibiga'y kanyang kinalaban; Â Â Â at hindi tumupad sa 'ming kasunduan.
Ang dulas ng dila'y parang mantekilya, Â Â Â ngunit nasa puso pagkapoot niya; ang mga salita niya'y tulad ng langis, Â Â Â ngunit parang tabak ang talas at tulis.
Ilagak kay Yahweh iyong suliranin, Â Â Â aalalayan ka't ipagtatanggol rin; Â Â Â ang taong matuwid, di niya bibiguin.
Ngunit ang bulaan at mamamatay-tao, Â Â Â O Diyos, sa hukay, sila'y itapon mo. Â Â Â Hindi magtatagal, ang buhay nila sa daigdig, ngunit tanging sa Diyos ako ay mananalig.