Dakila si Yahweh, dapat papurihan, sa lunsod ng Diyos, bundok niyang banal.
Ang Bundok ng Zion, tahanan ng Diyos ay dakong mataas na nakalulugod; bundok sa hilaga na galak ang dulot, sa lahat ng bansa nitong sansinukob.
Sa piling ng Diyos ligtas ang sinuman, Â Â Â sa loob ng muog ng banal na bayan.
Itong mga hari ay nagtipun-tipon, Â Â Â upang sumalakay sa Bundok ng Zion.
Sila ay nagulat nang ito'y mamasdan, Â Â Â pawang nagsitakas at nahintakutan.
Ang nakakatulad ng pangamba nila    ay pagluluwal ng butihing ina.
Tulad ng malaking barkong naglalayag, sa hanging silangan dagling nawawasak. Â Â Â Ang naglalakihang barkong naglalayag.
Sa banal na lunsod ay aming namasid    ang kanyang ginawa na aming narinig;    ang Diyos na si Yahweh, Makapangyarihan, siyang mag-iingat sa lunsod na banal, iingatan niya magpakailanman. (Selah)
Sa loob ng iyong templo, aming Diyos, Â Â Â nagunita namin pag-ibig mong lubos.
Ika'y pinupuri ng lahat saanman, Â Â Â sa buong daigdig ang dakila'y ikaw, at kung mamahala ay makatarungan. Â Â Â
Kayong taga-Zion, dapat na magalak! At ang buong Juda'y magdiwang na lahat, Â Â Â dahilan kay Yahweh sa hatol niyang tumpak.
Ang buong palibot ng Zion, lakarin, ang lahat ng tore doon ay bilangin; Â Â Â
ang nakapaligid na pader pansinin, mga muog nito'y inyong siyasatin; upang sa susunod na lahi'y isaysay, Â Â Â
na ang Diyos, ay Diyos natin kailanman, Â Â Â sa buong panahon siya ang patnubay.