Magdiwang ang lahat ng mga nilikha! Â Â Â Pumalakpak kayong may awit at tuwa, bilang pagpupuri sa Diyos na Dakila!
Ang Diyos na si Yahweh, Kataas-taasan, ay dakilang haring dapat na igalang; Â Â Â siya'y naghahari sa sangkatauhan.
Tayo'y pinagwagi sa lahat ng tao, Â Â Â sa lahat ng bansa'y namahala tayo.
Siya ang pumili ng ating tahanan, Â Â Â ang lupang minana ng mga hinirang. (Selah)
Lumuklok sa trono si Yahweh na ating Diyos, Â Â Â sigawan at trumpeta ang siyang tumutunog.
Purihin ang Diyos, siya ay awitan, Â Â Â awitan ang hari, siya'y papurihan!
Ang Diyos, siyang hari ng lahat ng bansa; Â Â Â awita't purihin ng mga nilikha!
Maghahari siya sa lahat ng bansa, Â Â Â magmula sa tronong banal at dakila.
Sa mga hinirang ng Diyos ni Abraham, Â Â Â sasama ang mga pamunuan ng lahat ng bansa sa sandaigdigan. Ang mga sandata ng lahat ng kawal, Â Â Â lahat ay sa Diyos na kataas-taasan.