Kay gagandang pangungusap ang naroon sa isipan, Â Â Â habang aking hinahabi ang awit sa haring mahal; ang katulad ng dila ko ay panulat ng maalam, Â Â Â panulat ng dalubhasang sumulat ng kasaysayan.
Sa lahat nga ng nilikha, makisig kang hindi hamak, Â Â Â kapag nagtatalumpati'y pambihira kung mangusap; Â Â Â ikaw nga ay pinagpala ng Diyos sa tut'wina.
O ikaw na haring bantog, isakbat mo ang sandata; Â Â Â sagisag mo'y maharlika, malakas nga't dakila ka!
Maglakbay kang mayro'ng dangal tinataglay ang tagumpay, Â Â Â alang-alang sa matuwid, ipagtanggol ang katuwiran; Â Â Â tagumpay ay matatamo sa lakas mong tinataglay.
Palaso mo'y matatalim, pumapatay ng kaaway; Â Â Â susuko ang mga bansa at sa iyo'y magpupugay.
Iyang tronong tinanggap mo na kaloob ng Diyos, Â Â Â isang tronong magtatagal at hindi na matatapos; matuwid kang maghahari sa bansa mong nasasakop.
Katarunga'y iyong mahal, sa masama'y namumuhi; kaya naman ang iyong Diyos, tanging ikaw ang pinili; Â Â Â higit sa sinumang hari, kagalakang tanging-tangi.
Sa damit mo'y nalalanghap, tatlong uri ng pabango, Â Â Â mira, aloe saka kasia na buhat sa ibang dako; Â Â Â inaaliw ka ng tugtog sa garing na palasyo mo.
O kay gagandang prinsesa ang katulong na dalaga, Â Â Â samantalang sa kanan mo, nakatayo yaong reyna, Â Â Â palamuti'y gintong lantay sa damit na suot niya.
O kabiyak nitong hari, ang payo ko'y ulinigin; Â Â Â ang lahat mong kamag-anak at ang madla ay limutin.
Sa taglay mong kagandahan ang hari ang paibigin; Â Â Â siya'y iyong Panginoon, marapat na iyong sundin.
Yaong mga taga-Tiro, handog nila ay dadalhin, Â Â Â pati mga mayayaman sa iyo ay susuyo rin.
Ang prinsesa sa palasyo'y pagmasdan mo't anong ganda; Â Â Â sinulid na gintung-ginto ang hinabing damit niya.
Sa magara niyang damit, sa hari ay pinapunta, Â Â Â mga abay ay kasama, haharap sa hari nila.
Sama-samang masasaya, ang lahat ay nagagalak    nagsipasok sa palasyo, kanyang hari ay hinanap.
Darami ang iyong supling, sa daigdig maghahari, Â Â Â kapalit ng ninuno mo sa sinundang mga lahi.
Dahilan sa aking awit, ikaw nama'y dadakila, Â Â Â kailanma'y pupurihin nitong lahat na nilikha!