Have not I commanded thee? Be strong and of a good courage; be not afraid, neither be thou dismayed: for the LORD thy God is with thee whithersoever thou goest.
Ang gawa mo noong una dakilang mga bagay, Â Â Â narinig po namin, O Diyos, sa ninuno naming mahal;
Pinalayas mo ang Hentil sa sarili nilang bayan, Â Â Â at ang mga hinirang mo ang siya mong inilagay; sila'y iyong pinagpala't pinaunlad yaong buhay, Â Â Â samantalang iyong iba ay parusa ang nakamtan,
hindi sila ang gumapi sa lupain na minana, Â Â Â hindi sila nagtagumpay dahilan sa lakas nila; hindi tabak ang ginamit, ni ginamit na sandata, Â Â Â kundi lakas mo, O Diyos, noong ikaw ang kasama; Â Â Â oo, ito'y ginawa mo pagkat mahal mo nga sila.
O Diyos, ikaw ang hari ko na nagbigay ng tagumpay, Â Â Â pagwawagi'y kaloob mo sa bayang iyong hinirang.
Dahilan sa iyong lakas, talo namin ang kaaway, Â Â Â pagkat ikaw ang kasama, kaya sila napipilan.
Palaso ko, aking tabak, hindi ko rin inasahan,    upang itong kaaway ko ay magapi    sa labanan.
Ngunit ikaw ang nanguna kaya kami nagtagumpay, Â Â Â sa sinumang namumuhing malulupit na kaaway.
Kaya naman, ikaw, O Diyos, lagi naming pupurihin; Â Â Â sa papuri't pasalamat ika'y aming tatanghalin. (Selah)
Ngunit ngayo'y itinakwil, kaya kami ay nalupig, Â Â Â hukbo nami'y binayaa't hindi mo na tinangkilik;
Hinayaan mo nga kami kaya kami ay tumakas; Â Â Â aming mga naiwanan ay sinamsam nilang lahat.
Kami'y iyong binayaang katayin na parang tupa, Â Â Â matapon sa ibang bansa upang doon ay magdusa.
Kami'y iyong pinagbili sa maliit na halaga; Â Â Â sa ginawang pagbebenta walang tubo na nakuha.
Sa sinapit naming ito, mga bansa ay nagtawa, Â Â Â kinukutya kaming lagi, iniinis sa tuwina.
Pati bansang walang Diyos, sa gitna ng sanlibutan, Â Â Â sa nangyari'y umiiling bilang tanda ng pag-uyam.
At lagi kong alaala mapait na karanasan, Â Â Â aking puso ay nanlumo sa malaking kahihiyan. Â Â Â
Ang malaking kahihiyang ngayo'y aking tinataglay, Â Â Â ay bunga ng pang-iinis at pagkutya ng kaaway.
Sa ganitong karanasan, kami'y lubhang nagtataka; Â Â Â ikaw nama'y nakaukit sa isipa't alaala, Â Â Â at ang tipan mo sa ami'y sinusunod sa tuwina.
Hindi namin sinusuway yaong iyong mga batas, Â Â Â hanggang ngayo'y tapat kami, hindi kami lumalabag.
Gayon pa ma'y iniwan mo, kami'y iyong binayaan, Â Â Â sa gitna ng mga ganid at pusikit na karimlan.
Kung pagsamba sa ating Diyos kusa naming itinigil, Â Â Â at sa ibang mga diyos doon kami dumalangin,
ito'y iyong mababatid pagkat sa iyo'y walang lihim, Â Â Â sa iyo ay walang lingid na isipan at damdamin.
Dahil po sa inyo'y buong araw kaming pinapatay, Â Â Â turing nila sa amin ay mga tupang pangkatay.
Gumising ka sana, Yahweh! Sa paghimlay ay gumising. Â Â Â Bumangon ka! Kailanma'y 'wag po kaming itatakwil.
Kami'y huwag pagkublihan, pagtaguan ay huwag din, Â Â Â ang pangamba nami't hirap, huwag mo pong lilimutin.
Halos kami ay madurog nang bumagsak na sa lupa; Â Â Â sa bunton ng alikabok ay lupig na nabulagta.
Bumangon ka at tumulong, kami ngayon ay iligtas, Â Â Â dahilan sa pag-ibig mong kailanma'y di kukupas!