Sagutin mo po ang aking pagtawag, Â Â Â O Diyos, na aking kalasag! Sa kagipitan ko, ako'y iyong tinulungan, Â Â Â kaawaan mo ako ngayon, dalangin ko'y pakinggan.
Kayong mga tao, hanggang kailan ninyo ako hahamakin? Â Â Â Ang walang kabuluhan at kasinungalingan, Â Â Â hanggang kailan ninyo iibigin? (Selah)
Dapat ninyong malamang itinalaga ni Yahweh ang matuwid, Â Â Â kapag tumatawag ako sa kanya, siya'y nakikinig.
Huwag hayaang magkasala ka nang dahil sa galit; Â Â Â sa iyong silid, pag-isipa't ika'y manahimik. (Selah)
Nararapat na handog, inyong ialay, Â Â Â pagtitiwala n'yo'y kay Yahweh ibigay.
Tanong ng marami, “Sinong tutulong sa atin?†   Ikaw, O Yahweh ang totoong mahabagin!
Puso ko'y iyong pinuno ng lubos na kagalakan, Â Â Â higit pa sa pagkain at alak na inumin.
Sa aking paghiga, nakakatulog nang mahimbing, Â Â Â pagkat ikaw, Yahweh, ang nag-iingat sa akin.