Ang sabi ko sa sarili, sa gawai'y mag-iingat,    at hindi ko hahayaang ang dila ko ay madulas; upang hindi magkasala, ako'y di magsasalita    habang nakapalibot, silang mga masasama.
Ako'y sadyang nanahimik, wala akong sinasabi, Â Â Â hindi ako nagsalita maging tungkol sa mabuti; ngunit lalo pang lumubha paghihirap ng sarili. Â Â Â
Ako'y lubhang nabahala, nangangamba ang puso ko, habang aking iniisip, lalo akong nalilito; Â Â Â nang di ako makatiis, ang sabi ko ay ganito:
“Yahweh, sana'y sabihin mo kung kailan mamamatay,    kung gaanong katagal pa kaya ako mabubuhay.â€
Ang damdam ko sa sarili'y pinaikli mo ang buhay, Â Â Â sa harap mo ang buhay ko'y parang walang kabuluhan; ang buhay ng bawat tao'y parang hanging dumaraan. (Selah) Â Â Â
Ang buhay ng isang tao'y parang anino nga lamang, at maging ang gawa niya ay wala ring kasaysayan; Â Â Â hindi batid ang kukuha ng tinipon niyang yaman!
Kung ganoon, Panginoon, nasaan ba ang pag-asa? Â Â Â Pag-asa ko'y nasa iyo, sa iyo ko nakikita.
Kaya ngayo'y iligtas mo, linisin sa aking kasalanan; Â Â Â ang hangal ay huwag bayaan na ako'y pagtawanan.
Tunay akong tatahimik, wala akong sasabihin, Â Â Â pagkat lahat ng dinanas, pawang dulot mo sa akin.
Huwag mo akong parusahan, parusa mo ay itigil; Â Â Â sa hampas na tinatanggap ang buhay ko'y makikitil.
Kung ang tao'y magkasala, ang parusa mo ay galit; Â Â Â parang isang gamu-gamong pinatay ang iniibig; tunay na ang isang tao'y hangin lamang ang kaparis! (Selah)
Pakinggan mo ako, Yahweh, dinggin ang aking hibik; Â Â Â sa daing ko't panalangin, huwag ka sanang manahimik. Sa iyong piling ay dayuhan, ako'y hindi magtatagal, Â Â Â at tulad ng ninuno ko, sa daigdig ay lilisan.
Sa ganitong kalagayan, huwag na akong kagalitan, upang muling makalasap kahit konting kasiyahan, Â Â Â bago man lang mamayapa't makalimutan ng lahat.