Yahweh, huwag mo po akong kagalitan! Â Â Â O kung galit ka ma'y huwag pong parusahan.
Ang iyong palaso'y tumama sa akin; Â Â Â at iyong mga kamay, hinampas sa akin.
Ako'y nilalagnat dahil sa iyong galit; Â Â Â dahil sa sala ko ako'y nagkasakit.
Ako'y nalulunod sa taglay kong sala, sa dinami-rami ay para nang baha; Â Â Â mabigat na lubha itong aking dala.
Malabis ang paglala nitong aking sugat, Â Â Â dahil ginawa ko ang hindi nararapat;
Wasak at kuba na ang aking katawan; Â Â Â sa buong maghapo'y puspos ng kalungkutan.
Dumapong lagnat ko'y apoy na sa init, Â Â Â lumulubhang lalo ang taglay kong sakit.
Ako'y nanghihina at nanlulupaypay, Â Â Â puso'y dumaraing sa sakit na taglay.
O Yahweh, hangad ko'y iyong nababatid; Â Â Â ang mga daing ko'y iyong dinirinig.
Ang aking puso ay mabilis ang tibok, ang taglay kong lakas, pumapanaw na halos; Â Â Â ningning ng mata ko'y pawa nang naubos.
Mga kaibiga't mga kapitbahay ay nagsisilayo, ayaw nang dumalaw    dahil sa sugat ko sa aking katawan;    lumalayo pati aking sambahayan.
Silang nagnanais na ako'y patayin, nag-umang ng bitag upang ako'y dakpin; Â Â Â ang may bantang ako'y saktan at wasakin, Â Â Â maghapon kung sila'y mag-abang sa akin.
Para akong bingi na di makarinig, Â Â Â at para ring pipi na di makaimik;
sa pagsasanggalang ay walang masabi, Â Â Â walang marinig katulad ng isang bingi.
Ngunit saiyo, Yahweh, ako'y may tiwala, Â Â Â aking Diyos, ika'y tiyak na tutugon.
Aking panalangin, iyong pakinggan, itong mga hambog, huwag mong hayaan, Â Â Â sa aking kabiguan, sila'y magtawanan.
Sa pakiramdam ko, ako'y mabubuwal, Â Â Â mahapdi't makirot ang aking katawan.
Aking ihahayag ang kasalanan ko, Â Â Â mga kasalanang sa aki'y gumugulo.
Mga kaaway ko'y malakas, masigla; Â Â Â wala mang dahila'y namumuhi sila.
Ang ganting masama ang sukli sa akin, Â Â Â dahil sa hangad kong buhay ko'y tuwirin.
Panginoong Yahweh, huwag akong iiwan; Â Â Â maawaing Diyos, huwag akong layuan;
aking Panginoon, aking kaligtasan, iyo ngang dalian, ako ay tulungan!