Likewise the Spirit also helpeth our infirmities: for we know not what we should pray for as we ought: but the Spirit itself maketh intercession for us with groanings which cannot be uttered.
Kasalana'y nangungusap sa puso ng masasama, sa kaibuturan ng puso doon ito nagwiwika; Â Â Â tumatanggi sa Diyos at ni takot ito'y wala.
Ang palagay sa sarili, siya'y isang dakila na; Â Â Â ang akala'y hindi batid ni Yahweh ang kanyang sala, kaya't kanyang iniisip, hindi siya magdurusa.
Kung mangusap ay masama at ubod nang sinungaling; Â Â Â dahop na ang karunungan sa paggawa ng magaling.
Masama ang binabalak samantalang nahihimlay, Â Â Â masama rin ang ugali, Â Â Â at isa pang kasamaa'y ang laging inaakap ay gawaing mahahalay.
Ang wagas na pag-ibig mo, O Yahweh, ay walang hanggan, Â Â Â at ang iyong katapatan ay abot sa kalangitan.
Matuwid at matatag ka na tulad ng kabundukan; Â Â Â ang matuwid na hatol mo'y sinlalim ng karagatan; ang lahat ng mga tao't mga hayop na nilalang, sa tuwina'y kinukupkop ng mapagpala mong kamay.
O Diyos, ang iyong pag-ibig mahalaga at matatag, Â Â Â ang kalinga'y nadarama sa lilim ng iyong pakpak.
Sa pagkain ay sagana sa sarili mong tahanan; Â Â Â doon sila umiinom sa batis ng kabutihan.
Sa iyo rin nagmumula silang lahat na may buhay, Â Â Â ang liwanag na taglay mo ang sa amin ay umaakay.
Patuloy mong kalingain ang sa iyo'y umiibig, Â Â Â patuloy mong pagpalain ang may buhay na matuwid.
Ang palalo'y huwag tulutan na ako ay salakayin, Â Â Â o ang mga masasamang gusto akong palayasin.
Lahat silang masasama'y masdan ninyo at nagupo! Â Â Â Sa kanilang binagsakan, hindi sila makatayo.