Mapalad ang taong pinatawad na ang kasalanan, Â Â Â at pinatawad rin sa kanyang mga pagsalangsang.
Mapalad ang taong hindi pinaparatangan, Â Â Â sa harap ni Yahweh'y hindi siya nanlinlang.
Nang hindi ko pa naihahayag ang aking mga sala, Â Â Â ako'y nanghina sa maghapong pagluha.
Sa araw at gabi, ako'y iyong pinarusahan, Â Â Â wala nang natirang lakas sa katawan, Â Â Â parang hamog na natuyo sa init ng tag-araw. (Selah)
Kaya't ang kasalanan ko'y aking inamin; Â Â Â mga pagkakamali ko'y hindi na inilihim. Ako'y nagpasyang sa iyo'y ipagtapat, Â Â Â at mga sala ko'y pinatawad mong lahat. (Selah)
Kaya ang tapat sa iyo ay dapat manalangin, Â Â Â sa oras ng kagipitan, ikaw ang tawagin, Â Â Â at sa bugso ng baha'y di sila aabutin.
Ikaw ang aking lugar na kublihan; Â Â Â inililigtas mo ako sa kapahamakan. Aawitin ko nang malakas, Â Â Â pag-iingat mo't pagliligtas. (Selah)
Ang sabi ni Yahweh, “Aakayin kita sa daan,    tuturuan kita at laging papayuhan.
Huwag kang tumulad sa kabayo, o sa mola na walang pang-unawa,    na upang sumunod lang ay hahatakin pa ang renda.â€
Labis na magdurusa ang taong masama,    ngunit ang tapat na pag-ibig ni Yahweh    ang mag-iingat sa sinumang nagtitiwala sa kanya.
Lahat ng tapat kay Yahweh, magalak na lubos, Â Â Â dahil sa taglay nilang kabutihan ng Diyos; sumigaw sa galak ang lahat ng sa kanya'y sumusunod!