Pinupuri kita, Yahweh, pagkat ako'y iyong iniligtas, Â Â Â mga kaaway ko'y di mo hinayaang magmataas.
Sa iyo, Yahweh, aking Diyos, ako'y dumaing, Â Â Â at ako nama'y iyong pinagaling.
Hinango mo ako mula sa libingan, Â Â Â at mula sa hukay, ako'y muli mong binuhay.
Purihin si Yahweh, siya'y inyong awitan, Â Â Â ninyong bayang hinirang, siya ay pasalamatan, pasalamatan ninyo ang banal niyang pangalan!
Ang kanyang galit, ito'y panandalian, Â Â Â ngunit panghabang-buhay ang kanyang kabutihan. Sa buong magdamag, luha ma'y pumatak, Â Â Â pagsapit ng umaga, kapalit ay galak.
Sinabi ko sa sarili pagkat ako'y panatag,    “Kailanma'y hindi ako matitinag.â€
Kay buti mo, Yahweh, ako'y iyong iningatan, Â Â Â tulad sa isang muog sa kabundukan. Ngunit natakot ako, nang ako'y iyong iwan.
Sa iyo, Yahweh, ako'y nanawagan, Â Â Â nagsumamo na ako ay tulungan:
“Anong halaga pa kung ako'y mamamatay?    Anong pakinabang kung malibing sa hukay? Makakapagpuri ba ang mga walang buhay?    Maipapahayag ba nila ang iyong katapatan?
Pakinggan mo ako, Yahweh, at kahabagan,    O Yahweh, ako po sana'y tulungan!â€
Pinawi mo itong aking kalungkutan, pinalitan mo ng sayaw ng kagalakan! Â Â Â Pagluluksa ko ay iyong inalis, Â Â Â kaligayahan ang iyong ipinalit.
Aawit sa iyo ng papuri at hindi ako tatahimik, Â Â Â O Yahweh aking Diyos, pasasalamat ko'y walang patid.