sa iyo, O Diyos, ako'y tiwalang lubos. Huwag hayaang malagay ako sa kahihiyan, Â Â Â at pagtawanan ako ng aking mga kaaway!
Mga may tiwala sa iyo'y huwag malagay sa kahihiyan, Â Â Â at ang mga taksil sa iyo'y magdanas ng kasawian.
Ituro mo sa akin, Yahweh, ang iyong kalooban, Â Â Â at ang iyong landas, sa akin ay ipaalam.
Turuan mo akong mamuhay ayon sa katotohanan, Â Â Â sapagkat ikaw ang Diyos ng aking kaligtasan; Â Â Â sa buong maghapo'y ikaw ang inaasahan.
Alalahanin mo, Yahweh, ang pag-ibig mong wagas, Â Â Â na ipinakita mo na noong panahong lumipas.
Patawarin mo ako sa aking mga kasalanan, sa mga kamalian ko noong aking kabataan; ayon sa pag-ibig mong walang katapusan, Â Â Â ako sana, Yahweh, ay huwag kalimutan!
Si Yahweh ay mabuti at siya'y makatarungan, Â Â Â itinuturo niya sa makasalanan ang tamang daan.
Sa mapagpakumbabá siya ang gumagabay,    sa kanyang kalooban kanyang inaakay.
Tapat ang pag-ibig, siya ang patnubay, Â Â Â sa lahat ng mga taong sumusunod, sa utos at tipan siya'ng sumusubaybay.
Ang iyong pangako, Yahweh, sana'y tuparin, Â Â Â ang marami kong sala'y iyong patawarin.
Ang taong kay Yahweh ay gumagalang, Â Â Â matututo ng landas na dapat niyang lakaran.
Ang buhay nila'y palaging sasagana, Â Â Â mga anak nila'y magmamana sa lupa.
Sa mga masunurin, si Yahweh'y isang kaibigan, Â Â Â ipinapaunawa niya sa kanila, kanyang kasunduan.
Si Yahweh lang ang laging inaasahan, Â Â Â na magliligtas sa akin sa kapahamakan.
Lingapin mo ako, at ako'y kahabagan, Â Â Â pagkat nangungulila at nanlulupaypay.
Pagaanin mo ang aking mga pasanin, Â Â Â mga gulo sa buhay ko'y iyong payapain.
Alalahanin mo ang hirap ko at suliranin, Â Â Â at lahat ng sala ko ay iyong patawarin.
Tingnan mo't napakarami ng aking kaaway, Â Â Â at labis nila akong kinamumuhian!
Ipagtanggol mo ako't iligtas ang aking buhay, Â Â Â huwag tulutang ako'y malagay sa kahihiyan, Â Â Â pagkat kaligtasan ko'y sa iyo nakasalalay.
Iligtas nawa ako ng kabutihan ko't katapatan, Â Â Â sapagkat ikaw ang aking pinagtitiwalaan.
Hanguin mo, O Diyos, ang bayang Israel, Â Â Â sa kanilang kaguluhan at mga suliranin!