O Diyos ko! Diyos ko! Bakit mo ako pinabayaan? Â Â Â Sumisigaw ako ng saklolo, ngunit bakit di mo ako tinutulungan?
Araw-gabi'y tumatawag ako sa iyo, O Diyos, Â Â Â di ako mapanatag, di ka man lang sumasagot.
Ngunit ikaw ang Banal na pinaparangalan, Â Â Â at sa Israel ikaw ay pinapupurihan.
Ang mga ninuno nami'y nagtiwala sa iyo, Â Â Â sa iyo umasa kaya sila'y iniligtas mo.
Tumawag sila sa iyo at sa panganib ay nakawala, Â Â Â nagtiwala sila sa iyo at di naman sila napahiya.
Ngunit ako'y parang uod at hindi na isang tao, Â Â Â hinahamak at pinagtatawanan ng kahit na sino!
Pinagtatawanan ako ng bawat makakita sa akin, Â Â Â inilalabas ang kanilang dila at sila'y pailing-iling.
Sabi nila, “Nagtiwala siya kay Yahweh; hayaang iligtas siya nito. Kung talagang mahal siya nito,    darating ang kanyang saklolo!â€
Noong ako ay iluwal, Ikaw, O Diyos, ang patnubay, Â Â Â magmula sa pagkabata, ako'y iyong iningatan.
Mula nang ako'y isilang, sa iyo na umaasa, Â Â Â mula nang ipanganak, ikaw lang ang Diyos na kilala.
Huwag mo akong lilisanin, huwag mo akong iiwanan, Â Â Â pagkat walang sasaklolo sa papalapit na kapahamakan.
Akala mo'y mga toro, ang nakapaligid na kalaban, Â Â Â mababangis na hayop na galing pa sa Bashan.
Bibig nila'y nakabuka, parang mga leong gutom, Â Â Â umuungal at sa aki'y nakahandang lumamon.
Parang natapong tubig, nawalan ako ng lakas, Â Â Â ang mga buto ko'y parang nagkalinsad-linsad; pinagharian ang dibdib ko ng matinding takot, Â Â Â parang kandila ang puso ko, natutunaw, nauubos!
Itong aking lalamuna'y tuyong abo ang kagaya, Â Â Â ang dila ko'y dumidikit sa aking ngalangala, sa alabok, iniwan mo ako na halos patay na.
Isang pangkat ng salarin, sa aki'y nakapaligid, Â Â Â para akong nasa gitna ng mga asong ganid; Â Â Â mga kamay at paa ko'y kanilang pinupunit.
Kitang-kita ang lahat ng aking mga buto, Â Â Â tinitingnan at nilalait ng mga kaaway ko.
Mga damit ko'y kanilang pinagsugalan, Â Â Â at mga saplot ko'y pinaghati-hatian.
O Yahweh, huwag mo sana akong layuan! Â Â Â Ako ay tulungan at agad na saklolohan!
Iligtas mo ako sa talim ng tabak, Â Â Â at sa mga asong sa aki'y gustong kumagat.
Sa bibig ng mga leon ako'y iyong hanguin, Â Â Â sa sungay ng mga toro ako ay iyong sagipin. Â Â Â O Yahweh, panalangin ko sana'y dinggin.
Mga ginawa mo'y ihahayag ko sa aking mga kababayan, Â Â Â sa gitna ng kapulungan ika'y papupurihan.
Kayong lingkod ni Yahweh, siya'y inyong purihin! Â Â Â Kayong lahi ni Jacob, siya'y inyong dakilain, Â Â Â bayan ng Israel, luwalhatiin siya't sambahin!
Mga dukha'y di niya pinababayaan at hinahamak, Â Â Â hindi siya umiiwas sa humihingi ng paglingap; Â Â Â sinasagot niya agad ang mga kapus-palad.
Ginawa mo'y pupurihin sa dakilang kapulungan, Â Â Â sa harap ng masunurin, mga lingkod mong hinirang, Â Â Â ang panata kong handog ay doon ko iaalay.
Ang naghihikahos ay sasagana sa pagkain, Â Â Â mga lumalapit kay Yahweh, siya'y pupurihin. Maging sagana nawa sila at laging pagpalain!
Mga bansa sa lupa'y kay Yahweh magsisibaling, Â Â Â lahat ng mga lahi'y maaalala siya't sasambahin.
Kay Yahweh nauukol ang pamamahala, Â Â Â naghahari siya sa lahat ng mga bansa.
Magsisiluhod lahat ang palalo't mayayabang, Â Â Â yuyuko sa harap niya, mga taong hahatulan.
Mga susunod na salinlahi'y maglilingkod sa kanya, Â Â Â ang tungkol sa Panginoon ay ipahahayag nila.
Maging ang mga di pa isinisilang ay babalitaan,    “Iniligtas ni Yahweh ang kanyang bayan.â€