Ingatan mo sana ako, O Diyos, sa iyo ako nanganganlong at nagtitiwalang lubos.
Ang sabi ko kay Yahweh, “Ikaw ang Panginoon ko,    kabutihang tinatamasa ko, lahat ay mula sa iyo.â€
Mga lingkod ng Panginoon ay dakila't mararangal! Â Â Â Sila'y nagmumula sa iba't ibang bayan; ligaya ng sarili ang sila'y aking makapisan.
Ang mga bumabaling sa ibang diyos, sulirani'y sunod-sunod, Â Â Â sa mga paghahandog nila'y hindi ako sasama; at sa kanilang mga diyos, ako'y hindi sasamba, Â Â Â hindi rin maglilingkod, ni pupuri sa kanila.
Ikaw lamang, Yahweh, ang lahat sa aking buhay, Â Â Â lahat ng kailangan ko'y iyong ibinibigay, Â Â Â kinabukasan ko'y nasa iyong mga kamay.
Mga kaloob mo sa akin ay kahanga-hanga, Â Â Â napakaganda ng iyong pamana!
Pinupuri ko si Yahweh na sa aki'y pumapatnubay, Â Â Â at sa gabi, sa budhi ko siya ang gumagabay.
Alam kong kasama ko siya sa tuwina; Â Â Â hindi ako matitinag pagkat kapiling siya.
Kaya't ako'y nagdiriwang, puso't diwa ko'y nagagalak, Â Â Â hindi ako matitinag sapagkat ako'y panatag.
Pagkat di mo tutulutang ang mahal mo ay masadlak, Â Â Â sa daigdig ng mga patay at doon ay maagnas.
Ituturo mo ang landas na patungo sa buhay, Â Â Â sa piling mo'y madarama ang lubos na kagalakan; Â Â Â ang tulong mo'y nagdudulot ng ligayang walang hanggan.