Purihin si Yahweh! Â Â Â Purihin mo si Yahweh, O aking kaluluwa!
Pupurihin siya't aking aawitan;    aking aawitan habang ako'y buháy.
Sa mga pangulo'y huwag kang manghahawak, Â Â Â kahit sa kaninong di makapagligtas;
kung sila'y mamatay, balik sa alabok, Â Â Â kahit anong plano nila'y natatapos.
Mapalad ang tao, na ang kanyang Diyos na laging katulong ay ang Diyos ni Jacob; Â Â Â sa Diyos na si Yahweh, umaasang lubos, Â Â Â
sa Diyos na lumikha niyong kalangitan, Â Â Â ng lupa at dagat, at lahat ng bagay. Ang kanyang pangako ay maaasahan. Â Â Â
Panig sa naaapi, kung siya'y humatol, Â Â Â may pagkaing handa, sa nangagugutom. Pinalaya niya ang mga nabihag; Â Â Â
isinasauli, paningin ng bulag; lahat ng inapi ay itinataas, Â Â Â ang mga hinirang niya'y nililingap.
Isinasanggalang ang mga dayuhang sa lupain nila'y doon tumatahan; Â Â Â tumutulong siya sa balo't ulila, Â Â Â ngunit sa masama'y parusa'ng hatid niya.
Walang hanggang Hari, ang Diyos na si Yahweh! Â Â Â Ang Diyos mo, Zion, ay mananatili! Purihin si Yahweh!