Ang kadakilaan ng Diyos ko at Hari, aking ihahayag, Â Â Â di ko titigilan magpakailanman ang magpasalamat,
aking pupurihi't pasasalamatan siya araw-araw, Â Â Â di ako titigil ng pasasalamat magpakailanman.
Dakila ka, Yahweh, at karapat-dapat na ika'y purihin; Â Â Â kadakilaan mo'y tunay na mahirap naming unawain.
Sa alinmang lahi, ang iyong ginawa ay papupurihan, Â Â Â ihahayag nila ang mga gawa mong makapangyarihan.
Ang karangalan mo at pagkadakila'y ipamamalita, Â Â Â at isasaysay ko ang mga gawa mo na kahanga-hanga.
Ang mga gawa mong makapangyariha'y ipamamalita; Â Â Â sa lahat ng tao'y aking sasabihing ikaw ay dakila.
Ihahayag nila ang lahat ng iyong mga kabutihan, Â Â Â aawitin nila nang may kagalakan ang iyong katuwiran.
Si Yahweh'y mapagmahal at puno ng habag, Â Â Â hindi madaling magalit, ang pag-ibig ay wagas.
Siya ay mabuti at kahit kanino'y hindi nagtatangi; Â Â Â sa kanyang nilikha, pagkalinga niya ay mamamalagi.
Magpupuring lahat sa iyo, O Yahweh, ang iyong nilalang; Â Â Â lahat mong nilikha ay pupurihin ka't pasasalamatan.
Babanggitin nilang tunay na dakila ang iyong kaharian, Â Â Â at ibabalitang tunay kang dakila't makapangyarihan.
Dakila mong gawa'y upang matalastas ng lahat ng tao, Â Â Â mababatid nila ang kadakilaan ng paghahari mo.
Ang paghahari mo'y sadyang walang hanggan, Â Â Â hindi magbabago. Di ka bibiguin sa bawat pangako pagkat ang Diyos ay tapat, Â Â Â ang kanyang ginawa kahit ano ito ay mabuting lahat.
Siya'y tumutulong sa lahat ng tao na may suliranin; Â Â Â at sa pagkalugmok, sa panghihina ay kanyang hahanguin.
Lahat ng mga buháy ay tanging si Yahweh ang inaasahan,    siyang nagdudulot ng pagkain nilang kinakailangan.
Binibigyan sila nang sapat na sapat, hindi nagkukulang; Â Â Â anupa't ang lahat ay may tinatanggap na ikabubuhay.
Matuwid si Yahweh sa lahat ng bagay niyang ginagawa; Â Â Â kahit anong gawin ay kalakip ang masagana niyang awa.
Siya'y nakikinig at handang tumulong sa lahat ng tao, Â Â Â sa sinumang taong pagtawag sa kanya'y tapat at totoo.
Bawat kailangan ng taong tapat at may takot sa kanya, Â Â Â kanyang tinutugon, at kung nagigipit hinahango sila.
Yaong umiibig sa kanya ng lubos ay iniingatan; Â Â Â ngunit ang masama'y wawasakin niya't walang mabubuhay.
Aking pupurihin ang Diyos na si Yahweh, habang nabubuhay, Â Â Â sa ngalan niyang banal, lahat ay magpuri magpakailanman!