Sa iyo, O Yahweh, ako'y dumadalangin    sa aking pagtawag, ako sana'y dinggin.
Ang aking dalangin sana'y tanggapin mo, masarap na samyong handog na insenso; Â Â Â itong pagtaas ng mga kamay ko.
O Yahweh, bibig ko ay iyong bantayan, Â Â Â ang mga labi ko'y lagyan mo ng bantay.
Huwag mong babayaang ako ay matukso, Â Â Â sa gawang masama ay magumon ako; ako ay ilayo, iiwas sa gulo, Â Â Â sa handaan nila'y nang di makasalo.
Pagkat may pag-ibig, ang mabuting tao puwedeng magparusa't pagwikaan ako, Â Â Â ngunit ang masama ay hindi ko ibig na ang aking ulo'y buhusan niya ng langis; Â Â Â pagkat ang dalangin at lagi kong hibik, ay laban sa gawa niyang malulupit.
Kung sila'y bumagsak tuloy na hatulan, Â Â Â maniniwala na ang mga nilalang na ang salita ko ay katotohanan.
Tulad ng panggatong na pira-piraso, Â Â Â sa pinaglibinga'y kakalat ang buto.
Di ako hihinto, sa aking pananalig, Â Â Â ang pag-iingat mo'y aking ninanais, Â Â Â huwag mong itutulot, buhay ko'y mapatid.
Sa mga patibong ng masamang tao, Â Â Â ilayo mong lubos, ingatan mo ako.
Iyong pabayaang sila ang mahulog, Â Â Â samantalang ako'y ligtas mong kinupkop.