“Wala namang Diyos!†ang sabi ng hangal sa kanyang sarili.    Silang lahat ay masasama, kakila-kilabot ang kanilang mga gawa;    walang gumagawa ng mabuti, wala nga, wala!
Nagmamasid si Yahweh mula sa itaas, sangkatauha'y kanyang sinisiyasat; Â Â Â tinitingnan kung may taong marunong pa, Â Â Â na sa kanya'y gumagalang at sumasamba.
Silang lahat ay naligaw ng landas, Â Â Â at naging masasama silang lahat; walang gumagawa sa kanila ng tama, Â Â Â wala ni isa man, wala nga, wala!
Ang tanong ni Yahweh: “Di ba nila alam,    itong masasama, lahat na ba'y mangmang? Itong aking baya'y pinagnanakawan    at akong si Yahweh ay ayaw dalanginan!â€
Darating ang araw na sila'y matatakot, sapagkat kakampi ng Diyos ang mga sa kanya'y sumusunod.
Hadlangan man nila ang balak ng mga taong hamak, Â Â Â ngunit si Yahweh ang sa kanila'y mag-iingat.
Ang aking hinihiling nawa ay dumating, Â Â Â mula sa Zion, ang kaligtasan ng Israel. Labis na magagalak ang bayang Israel, Â Â Â kapag muli silang pasaganain ni Yahweh.