Yahweh, ako'y buong pusong aawit ng pasalamat, Â Â Â sa harap ng ibang diyos, pupurihin kitang ganap.
Sa harap ng iyong templo ay yuyukod at gagalang, Â Â Â pupurihin kita roon, pupurihin ang iyong ngalan; dahilan sa pag-ibig mo at sa iyong katapatan, Â Â Â ika'y tunay na dakila, pati iyong kautusan.
Noong ako ay tumawag, tinanggap ko ang tugon mo, Â Â Â sa lakas mong itinulong ay lumakas agad ako.
Dahilan sa pangako mong narinig ng mga hari, Â Â Â pupurihin ka ng lahat at ika'y ipagbubunyi;
ang lahat ng ginawa mo ay kanilang aawitin, Â Â Â at ang kadakilaan mo ay kanilang sasambitin.
Kung ang Diyos mang si Yahweh ay dakila at mataas,    hindi niya nililimot ang abâ at mahihirap;    kumubli ma'y kita niya ang hambog at ang pasikat.
Kahit ako'y nagdaranas ng maraming suliranin, Â Â Â ako'y walang agam-agam, panatag sa iyong piling. Nahahandang harapin mo mapupusok kong kaaway, Â Â Â ligtas ako sa piling mo, sa lakas na iyong taglay.
O Diyos, mga pangako mo'y tinutupad mo ngang lahat, Â Â Â ang dahilan nito, Yahweh, pag-ibig mo'y di kukupas, Â Â Â at ang mga sinimulang gawain mo'y magaganap.