Have not I commanded thee? Be strong and of a good courage; be not afraid, neither be thou dismayed: for the LORD thy God is with thee whithersoever thou goest.
Purihin si Yahweh! Ngalan niya ay purihin kayong mga lingkod niya. Â Â Â
Kayong lahat na sa banal niyang templo'y pumapasok    upang doon manambahan sa banal na bahay ng Diyos.
Si Yahweh ay papurihan pagkat siya ay mabuti, Â Â Â ang taglay niyang kabaitan ay marapat sa papuri.
Siya rin nga ang pumili kay Jacob na kanyang lingkod, Â Â Â ang Israel nama'y bansang pinili niya at kinupkop.
Nalalaman kong si Yahweh ang Diyos na dakila, Â Â Â higit siya sa alinmang diyus-diyosang naglipana;
anumang nais ni Yahweh sa langit man o sa lupa, Â Â Â at kahit sa karagatan, ang anumang panukala, Â Â Â ginaganap niya ito, sa sariling pagkukusa.
Nilikha niya itong ulap na laganap sa daigdig, Â Â Â maging bagyong malalakas na may kidlat na mabilis; Â Â Â sa kanya rin nagmumula itong hanging umiihip.
Pinuksa niya sa Egipto bawat anak na panganay, Â Â Â maging tao't maging hayop ang panganay ay namatay.
Nagpakita siya roon ng gawang kahanga-hanga, Â Â Â upang kanyang pagdusahin si Farao't kanyang bansa.
Marami rin naman siyang winasak na mga bansa, Â Â Â at maraming mga haring pawang bantog ang pinuksa.
Itong haring Amoreo na si Sihon ang pangalan, Â Â Â at ang haring ang ngala'y Og, isang haring taga-Bashan, Â Â Â at iba pang mga hari na pinuksa sa Canaan.
Ang lupain nila roon ay kinuha at sinamsam, Â Â Â ibinigay sa Israel, bayang kanyang hinirang.
Ang pangalan mo, O Yahweh, ay magpakailanman, Â Â Â lahat ng nilikha, Yahweh, hindi ka malilimutan.
Ikaw nama'y mahahabag sa lahat ng iyong lingkod, Â Â Â ang alipin ay lalaya sa kanilang pagkagapos.
Ang mga diyos ng mga bansa'y gawa sa pilak at ginto, Â Â Â kamay ng mga tao ang humugis at bumuo.
Oo't mayro'n silang bibig, hindi naman maibuka, Â Â Â mga mata'y mayroon din, hindi naman makakita;
mayroon silang mga tainga, ngunit hindi makarinig, Â Â Â hindi sila humihinga, sa ilong man o sa bibig.
Ang gumawa sa kanila, at lahat nang nagtiwala, Â Â Â matutulad sa idolong sila na rin ang lumikha!
Si Yahweh ay papurihan, purihin siya, O Israel, Â Â Â maging kayong mga pari sa Diyos ay magpuri rin.
Si Yahweh ay papurihan, kayong lahat na Levita, Â Â Â lahat kayong sumasamba ay magpuring sama-sama.
Ang Diyos na nasa Zion ay sambahin at purihin, Â Â Â si Yahweh ay papurihan, sa templo sa Jerusalem. Purihin si Yahweh!