Napakaligaya at kahanga-hanga sa ating pangmasid, Â Â Â ang nagkakaisa't laging sama-sama na magkakapatid!
Langis ng olibo, ang nakakatulad at nakakawangis, Â Â Â sa ulo at balbas nitong si Aaron kapag ipinahid, Â Â Â umaagos ito't nababasa pati ang suot na damit.
Katulad din nito'y hamog sa umaga, sa Bundok ng Hermon, Â Â Â hamog na dumilig sa dakong maburol na Bundok ng Zion; sa lugar na ito, nangako si Yahweh, Â Â Â ang pangakong buhay na mananatili.